Maricar Dizon
6 stories
MISADVENTURES OF A MATCHMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 152,300
  • WpVote
    Votes 4,632
  • WpPart
    Parts 40
Hi, everyone! I'm Kimchi Pineda. Sixteen years old. Laking all girls' school. Pero ngayong senior high student na ako, in-enroll ako ng parents ko sa Richdale Private High School. Dating all boys' school ang Richdale na lately lang naging coed. At mayroon akong misyon sa pagpasok dito-ang mapalapit uli sa kababata kong si Sushi Morales at matulungan siyang makawala sa kanyang rebellious stage. Isa 'yong request mula sa parents namin na hindi ko natanggihan. Kaya kahit nagkaroon kami ng matinding away two years ago na naging reason kaya naging mortal enemies kami, nagpakumbaba na ako at in-approach siya para makipagbati. Hindi naman siguro ako mahihirapan. Miss Congeniality nga raw ako. Pero si Sushi na kung gaano kaubod ng guwapo ay ganoon din kasungit. Nang subukan kong kausapin siya ay bigla akong hinila at isinandal sa pader sabay sabi ng, "Don't talk to me. At mas lalong huwag mo ipagsabi na magkakilala tayo. Maliwanag ba?" Paano na ang mission ko? Susuko na lang ba ako? Siyempre hindi. Fight hanggang mapalambot ang puso ni Sushi Morales!
LOST STARS by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 268,937
  • WpVote
    Votes 8,741
  • WpPart
    Parts 78
My name is Eugine Alonso. First day ko as a graduate student nang una kong makita si Kira, nakatayo sa gitna ng quadrangle at nakatitig sa mga bituin sa langit. That time hindi ko naisip na magkakaroon siya ng malaking papel sa buhay ko. Or that she will change the course of my life entirely. The next time we met each other, Kira asked me to be her friend. Kahit eighty days lang daw. Napilitan lang akong pumayag. Pero sa bawat paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang sarili kong hindi na lang napipilitan. Na nag-e-enjoy na akong kasama siya. Na nag-e-enjoy na akong pakinggan ang mga kwento niya. The days became exciting. She pushed me out of my comfort zone. She showed me things I overlooked before. She made me realize a lot of things. Binago ni Kira ang buhay ko. At minahal ko siya ng sobra. Pero nang magtapat ako ng feelings ko sa kaniya, ni-reject ako ni Kira. "I'm sorry. I can't be your girlfriend. Ayoko." Nasaktan ako. At the same time napaisip din. Bakit hindi pwedeng maging kami?
SPIRAL GANG 1st Tale: Ang Nawawalang Bayan by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 47,707
  • WpVote
    Votes 1,702
  • WpPart
    Parts 21
THIS IS A MOON BRIDE PREQUEL SERIES. Ang mga pangyayari sa series na ito ay naganap ilang buwan bago ipanganak si Ayesha, sa bayan kung saan siya lumaki. Let's go back to year 1999, when internet is still not the center of our lives. Siguro maiisip ng iba na ang boring ng buhay ng mga bata at teenager sa panahong iyon lalo na kung sa isang malayo at liblib na bayan nakatira. But oh, you are so wrong. Welcome to the town of Tala, where myths and legends are true. Welcome and see for yourself, that in this town, in your town, magic is everywhere. cover design by @rymahurt <3 <3
KISSING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 168,894
  • WpVote
    Votes 4,379
  • WpPart
    Parts 10
"Ang gusto ko lang, instead na maghanap ka nang maghanap kung saan-saan, try to look at me." Sa isang hindi inaasahang pagkakataon kinailangang manatili ni Jena sa loob ng isang hotel room buong gabi kasama ang isang estrangherong nakilala lamang niya sa pangalang Woody. Kinabukasan aalis na lang sana siya at gigisingin ito nang bigla siya nitong halikan. Sa gulat niya umalis siya na hindi nagpapaalam dito. Akala niya hindi na niya ito makikita pa. Pero laking gulat niya nang makita ito sa kumpanyang pinapasukan niya. Ito pala ang bagong head ng Designs Department nila. Balak niya itong iwasan pero nakita agad nito ang plano niya. Parang nang-iinis na kinuha pa siya nito bilang temporary secretary at walang araw na hindi siya binubully kaya pikon na pikon siya rito. Pero kahit ganoon, hindi niya napigilan ma-inlove kay Woody. Tingin din naman niya nafo-fall na rin ito sa kaniya. Kaso maraming problema. Kabaligtaran ito ng lahat ng gusto niya sa lalaki. Mas bata rin ito kaysa sa kaniya. Madalas din sila hindi nagkakasundo kasi magkaiba ang mga ugali nila. In short, hindi sila compatible. May silbi pa bang sumuong sa isang relasyong alam niyang hindi maganda ang kahahantungan? PS: Thanks to Abby (@OhCheeseball) for this new and prettier version of the cover. love you. :)
LOVING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 217,982
  • WpVote
    Votes 5,597
  • WpPart
    Parts 12
KAHIT sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ni Aya na may demigod na babagsak sa abang tahanan nila. Ngunit iyon ang nangyari nang biglang sumulpot sa apartment complex ng pamilya niya si Brett Hart Valencia. Literal na bumagsak ito dahil ipinatapon ito ng lolo nito sa lugar nila upang turuan ng leksiyon. Ang masama, siya ang puwersahang naatasang gabayan ito. She was tasked to make him humane. Pero paano naman niya gagawin iyon kung sa tuwina na lamang ay laging nag-iinit ang ulo niya sa mga pang-iinis nito? Ang nakakairita ay kasama yata sa paraan nito ng pang-iinis ay ang pang-aakit nito at pagnanakaw ng halik tuwing may pagkakataon ito. Hanggang sa nangyari ang ayaw niyang mangyari - she fell in love with him. Alam niya na walang kahahantungan iyon. Afterall, kasama lamang niya ito dahil pinaparusahan ito ng lolo nito. One day, he will surely go back to his old life as the co-heir of a multi-million company, in a place where she will never reach him even in her wildest dreams. PS: thank you Abby (OhCheeseball) for the cover. :)
MARRYING A STRANGER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 425,196
  • WpVote
    Votes 11,133
  • WpPart
    Parts 13
Nasusuong sa malaking problema si Lettie. Biglang sumulpot ang kaniyang ama na matagal na panahong nagtago dahil sa halos milyong utang na iniwan nito sa kanila dahil sa pagkalulong nito sa bisyo. At bumalik ito upang sabihing may paraan na itong naisip upang mawala ang mga utang nila - iyon ay ang pakasalan niya ang apo ng matalik na kaibigan ng nasira niyang lola na si Damon Valencia. Labag man sa kalooban niya ay wala siyang napagpilian kung hindi ang pumayag. Ngunit unang beses pa lamang nilang pagkikita ni Damon ay hindi na kaagad maganda ang impresyon niya rito. Tingin niya ay mahihirapan siyang pakisamahan ito. Ngunit nang makasama na niya ito ay narealize niya na hindi naman pala masamang mapangasawa ito. Hanggang sa tuluyan ng mahulog ang loob niya rito. Iyon nga lang alam niyang delikado ang puso niya rito. Dahil kahit nagsasama na sila ay isa pa rin itong estranghero na maraming lihim sa pagkatao. At isa sa mga iyon ang dudurog sa puso niya. PS: this story was originally published March 2012 under Precious Hearts Romances. Ang i-po-post ko dito ay ang unedited version. :) PPS: thank you Abby (@ohCheeseball) for the cover. :)