Cy_Yeager's Reading List
9 stories
Blood Moon by Cy_Yeager
Blood Moon
Cy_Yeager
  • Reads 107
  • Votes 5
  • Parts 5
Ang apat na sunod-sunod na lunar eclipse sa loob ng isang buwan ay senyales ng pagbangon ni Daemon para sakupin ang sanlibutan. Ayon sa propesiya, tatawaging blood moon ang digmaan sa pagitan ng kasamaan at kabutihan. Magkakaroon ng limang magkakasunod na digmaan sa iba't-ibang panig ng mundo. Milyong katao ang masasawi at bilyong ari-arian ang mawawala. Marami ang magugutom at mawawalan ng tirahan. Magsisilabasan ang iba't-ibang uri ng nilalang na magiging kalaban ng mga tao. Kasabay ng ikalimang digmaan na magaganap sa Pilipinas ay ang pagsibol ng pag-asa para sa mga naninirahan sa Sta. Monica. Sabay na isisilang ang pitong sanggol na magiging tagapagtanggol laban sa kasamaan. Si Speed dela Cruz. Kilala bilang isang responsableng lider ng Student Council. Taglay niya ang super-speed power. May psychic ability rin siya para magpagalaw ng mga bagay na nasa kanyang paligid - in short - telekinesis. Si Sugar del Mundo. Isang nerd kung ituring ng karamihan. Kaya niyang alamin ang mangyayari sa hinaharap ng isang tao sa pamamagitan lamang ng paghawak dito o sa mga bagay na nahawakan ng mga ito. Si Torrance Granada. Ang chicksboy ngunit mapagmahal na kuya. Sa pamamagitan ng pagtingin ng diretso sa iyong mga mata ay mababasa niya ang anumang iniisip mo. May kakayahan din siyang mag teleport. Si Lexie Abalo. Ang kikay na mas malakas pa sa kalabaw. Taglay niya ang power of strength. Ang kakayahang magbuhat ng mabibigat. Si Aeros Meyer. Myembro ng journcircle at kakambal ni Aiena. May kakayahan siyang lumikha ng apoy at kaya niyang makipag-usap sa iba't-ibang nilalang. Si Aiena Meyer. Ang boyish at sikat na myembro ng drama club. Kabaliktaran ng kakayahan ni Aeros ang meron siya. Kaya niyang lumikha ng ulan at bagyo. Si Small Santos. Ang hari ng hardcourt na may kakayahang gayahin ang anyo ng kanyang kapwa. Sila ang pitong kabataan na isinilang para maging tagapagtanggol ng sanlibutan.
Somewhere Between Moving On and You by legoguywrites
Somewhere Between Moving On and You
legoguywrites
  • Reads 153,583
  • Votes 4,324
  • Parts 35
Pinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. Sakit na hindi kayang limutin ng alak, DOTA, at hindi kayang alisin ng Advil. At isa lang ang naisip ni Kei na paraan para mawala ang sakit. Ang magpakamatay. Tatalon na sana siya sa footbridge sa Morayta nang hatakin siya ni Abby Santillan---ang babaeng parang kabute na bigla na lang sumulpot sa buhay niya. Nag-offer ito ng tulong sa kanya. Tutulungan siya nito na mag-move on at magpapanggap na sila para pagselosin si Lindsey. Pero may isang kondisyon si Abby sa kanya: Bawal siyang ma-in love rito. Nakipag-deal si Kei na hinding-hindi mangyayari iyon, dahil hindi si Abby ang tipo niyang babae. Pero mas habang tumatagal ang palabas nila, mas nararamdaman ni Kei na parang nagiging totoo na ang lahat sa kanya. At kailangan niyang pigilan ang anumang namumuong damdamin. Dahil alam niya na ang unang mahulog ay talo. Ang librong ito ay para sa mga nasaktan at nagmo-move on kahit hindi naman naging sila. Para sa mga umasa. Para sa mga pinaasa. At para sa mga pakshet na nagpapaasa.
Tacloban: Flaming Love of the East by Cy_Yeager
Tacloban: Flaming Love of the East
Cy_Yeager
  • Reads 21
  • Votes 1
  • Parts 3
Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa makinis na balat ni Atarah. Sumasabay naman sa kanyang hakbang ang pagsayaw ng alon sa dagat. Papalubog na ang kulay dugong araw nang maisipan niyang maglakad-lakad sa dalampasigan. Nakangiti niyang pinagmasdan ang bawat pares ng taong kanyang nadadaanan. Kinikilig siya sa isipang romantiko ang oras na iyon para sa mga magkasintahan. 'One day, I'll be watching sunset with the love of my life. At pagmamasdan ko ang bituin sa kalangitan habang nakahiga sa dalampasigan.' Napangiti siya sa imahinasyong nabubuo ng kanyang isipan. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang bitbit ang kanyang tsinelas. Binaybay niya ang dalampasigan habang walang tigil ang paghabol ng alon sa kanya. Sa di kalayuan ay naabot ng kanyang tanaw ang magkasintahang umiindak kasabay ang musika na dala ng kalikasan. "I will love you forever Stacey." Narinig niyang wika ng lalaki dito. Kinilig pa siya nang makitang hinalikan ng lalaki ang noo ng babae at niyakap ito ng mahigpit. Muling dumako ang kanyang tingin sa payapang dagat na ngayon ay binalot na ng dilim. Ilang segundo din siyang nakatayo bago naisipang umupo sa dalampasigan at tumingin sa langit. "I will write my own love story and I will make it lasts forever." Nakangiti niyang wika.
When Present Meets Future - The Revelation by Cy_Yeager
When Present Meets Future - The Revelation
Cy_Yeager
  • Reads 2,532
  • Votes 46
  • Parts 10
Paano kung after 50 years, ang imposible ay magiging posible? Paano kung magkakaroon na ng time machine? Ano ang una mong pupuntahan? Ang nakaraan para itama ang lahat ng mali o ang hinaharap para tuklasin ang hiwagang bumabalot sa iyang buhay? Meets Charloth, 17-years old highschool student, maganda, matalino, nabubuhay sa taong 2066 at ang kauna-unahang makakaimbento ng time machine. Pipiliin niyang puntahan ang future. Maliban sa kanyang sarili, makikilala rin niya ang dalawang tao na magiging parte ng kanyang paglalakbay; si Mat at Bryle. Sa kanyang pagpunta sa hinaharap ay mabubuo ang iba't-ibang katanungan at may mabibigyan ng mga kasagutan. Kaya ba niyang mamuhay sa mundong papasukin? Paano kung ang pagpunta niya sa hinaharap ay siyang dahilan para pigilan ang panganib na mangyayari? Paghihiganti, pag-ibig at pangako..... May papatay at may mamamatay......
That Three Signs by Cy_Yeager
That Three Signs
Cy_Yeager
  • Reads 928
  • Votes 31
  • Parts 9
"Three signs lang naman ang hinihingi ko. Kapag hindi ito nagkatotoo, pangako, titigil ako sa pagmamahal sa'yo." - Mariko Highschool pa lamang ay may gusto na si Mariko kay Kiritani. People considers this feeling as puppy love but for Mariko, ito ay pag ibig na walang hanggan. Lumipas man ang ilang taon, loyal siya sa nararamdaman niya para sa binata. Ngunit kailanmay hindi niya naramdaman na may espesyal na pagtingin ito sa kanya. Kaya naisipan niyang humingi ng tatlong signs sa kaibigang si Scarlett. Signs to continue loving him or to move on from this unrequited love. Ngunit paano kung isa sa mga signs na ibibigay ng kaibigan ay ang pagbabalik ng babaeng kauna-unahang nagmay-ari ng puso ni Kiritani? Will Mariko dare to step in between the man that makes her heart beats faster and the woman his man loved? Will this three signs become the key to the love story that she's been dreaming of?
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series) by ImberCerin
Being His Unwanted Wife Book 1 (Monteverde Series)
ImberCerin
  • Reads 10,801,992
  • Votes 147,030
  • Parts 51
Nagising si Aliya Rodrigo na nawala na sa kanya ang lahat; magulang, kapatid at alaala. Sa madilim na yugto ng buhay niya'y nakilala niya ang lalaking nais niyang makasama habang buhay, si Haze Cadden Monteverde- the second grandson of a corporate giant; Don Alberto Monteverde. Isang lihim na kasalan ang naganap- naaayon sa kagustuhan ng binata. Batid ng dalaga na magkaiba sila ng nararamdaman, na kung gaano niya 'to kamahal ay ganoon rin ang pagkamuhi nito sa kanya. Kumapit siya, ipinaglaban niya- ngunit may hangganan ang lahat. Nagising na lang siyang sumusuko at tumatakbo palayo, leading her way to the darkest secret of her past and to Cade's cousin; Howell Lance Monteverde, the first grandson. Will she be able to escape Haze Cadden's sweetest and possesive way of chasing, will she be able to resist a Monteverde's way of claiming what belongs to him?
ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO   (published by Bookware Publishing Corporation) by SefahMil
ANG NAWAWALANG PINTUAN SA RECTO (published by Bookware Publishing Corporation)
SefahMil
  • Reads 51,482
  • Votes 5,454
  • Parts 28
Si Patty ay may nakilalang Anghel ng Kamatayan sa isang sekretong pintuan sa Recto, Manila. Malamig man ang Anghel at weirdo pero paano naman hindi mahuhulog ang loob ni Patty dito gayong mabait naman ito sa kanya? CURRENTLY IN BOOKSTORES! ********************************* NOTE: This is purely a work of fiction. Identical of names and situations are purely coincidental....
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM by AnjSmykynyze
Sold to My Ex-Husband (Adonis Series 2)-Published under PSICOM
AnjSmykynyze
  • Reads 44,835,582
  • Votes 673,529
  • Parts 75
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagkaleche-leche na rin ang buhay ko. Namatay si mommy dahil sa cancer, nalugi ang kompanya ni daddy at dahil sa sobrang hiya, nagpakamatay siya kaya naiwan sa akin ang responsibilidad na bayaran ang natirang utang niya sa banko. Kung dati akong princessa, ngayon ay naghihirap na. Lahat atang pweding racket ay gagawin ko mabayaran ko lang ang utang sa banko. I am a baker on weekdays, dance instructor on Saturdays at dance performer on Friday and Saturday nights. Pero sa kasamaang palad, bumalik ang ex-husband ko kaya lalong gumulo ang buhay ko. He owned the restaurant I worked with kaya nagawa niyang i-assign ako bilang personal chef niya as well as personal assistant. Binayaran niya rin ang dance studio kung saan ako nagtratrabaho and hired me as his personal dance instructor. He hired me as his personal dance instructor for the whole day on Saturdays. Pati na rin ang trabaho ko bilang performer ay nagawan niya ng paraan. He hired me as his exclusive entertainer every Friday at Saturday nights. Do you think that is already worse? The worst thing is - binayaran niya ang utang namin sa banko so I am now obliged to pay him based on his terms. I am Patricia Sandoval, sold to Stuart Cordoval - ako ang personal assistant, private chef, personal dance instructor, exclusive entertainer at on-call bedwarmer ng pinakamamahal kong ex-husband. Masaklap man isipin pero I am sold to my ex-husband. This is the second story about the Adonis series. This time, kay Stuart Cordoval at kay Patricia Sandoval naka-center ang story. Started Writing December 2015
So You're A Gangster, That's Nice [One Shot] by Alesana_Marie
So You're A Gangster, That's Nice [One Shot]
Alesana_Marie
  • Reads 478,032
  • Votes 14,179
  • Parts 1