Ms Belle Feliz
3 stories
Tangled (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 30,011
  • WpVote
    Votes 1,811
  • WpPart
    Parts 19
"Paniwalaan mong mahal kita at patuloy mo lang akong mahalin. 'Yon lang ang mga kailangan mong gawin." Si Kenneth, nagmahal at ginawa ang lahat para maangkin ang babaeng minamahal. Pilit niyang inalis ang lahat ng hadlang para makuha ang pangarap na buhay. Si Gayle, ang babaeng minahal ni Kenneth. Pinili niyang makasama si Kenneth kahit ibang lalaki ang talagang nasa puso sa paniniwalang tama ang naging sakripisyo niya. Si Estong, ang lalaking inagawan ni Kenneth ng babaeng minamahal. Sa loob ng mahabang panahon ay puno ng galit at pait ang kanyang puso. At si Kyle, ang kapatid ni Kenneth na dapat ay hindi makasama sa tangled love affair. Ang babaeng nagmahal kay Estong. Ang babaeng inakalang totoo ang pag-ibig na ipinakita ng binata. Ang sobrang nasaktan nang malaman na gagamitin lang siya para sa isang paghihiganti. Apat na taong nagmahal at gusto lang maging masaya. Paano sila makakawala mula sa hindi magandang pagkakabuhol ng kanilang mga kapalaran? Sino ang tuluyang magiging masaya? Sino ang magpaparaya? Sino ang maiiwan at masasaktan?
The Charmings and Beauty (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 47,465
  • WpVote
    Votes 3,270
  • WpPart
    Parts 21
"There's no particular reason why I like you, I just do. Huwag mo na akong tanungin kung bakit dahil mahirap talagang intindihin minsan ang puso." Hindi maganda si Justienne. Alam niya iyon dahil araw-araw siyang nananalamin. Kaya nang makilala niya si Kent Lauro, na miyembro ng isang papasikat na boy band, hindi niya inakalang magkakaroon ito ng kakaibang interes sa kanya. Hindi sumagi kahit sa imahinasyon niya na liligawan siya ng isang katulad nito na guwapo, matalino, at sikat. Nababaghan siya, hindi niya magawang maniwala. Paano magkakagusto ang isang katulad nito sa isang katulad niya? Gayunman, hindi niya maiwasang kiligin sa mga panunuyo nito. Madaling nahulog ang loob niya rito. Hindi maipagkakaila na napapasaya siya nito. Ito na yata ang hinihintay niyang Prince Charming. Ngunit nalaman niyang ginagamit lang siya nito upang mapalapit sa dating nobya nito na ubod ng ganda. Paano pa niya ipagkakatiwala sa iba ang puso niya?
The Fairest of them All (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 32,074
  • WpVote
    Votes 2,393
  • WpPart
    Parts 21
"You love me and that's all I want from you now. Love me forever, that's all you have to do to make me the happiest woman alive." Tulad ng kuwento ni Snow White ang naging buhay ni Jay Ann. She had an evil queen mother, a huntsman, seven giants who took good care of her and a handsome prince. Ang ipinagkaiba nga lang nila ni Snow White ay ang kanilang balat. May-kaitiman si Jay Ann kaya pinandidirihan at tinawag siyang pangit ng kanyang ina. Everyone thinks that her mother was the fairest one of all. At upang mawala si Jay Ann, na itinuturing ng ina na isang pagkakamali ay ipinatapon siya nito sa isang huntsman-si Daddy William na may pitong anak na lalaki. At isa sa mga lalaking iyon ay si Zane, ang bunso at best friend ni Jay Ann-si Happy sa kanyang seven handsome giants. At siyempre, ang kanyang Prince Charming-si Henry, na ayon sa mga tsismis sa university nila ay isang totoong prinsipe. Pero hindi naging "happy ever after" ang ending ng kuwento ni Jay Ann nang maging boyfriend niya si Henry dahil nagkasira naman sila ni Zane. Nagulat kasi siya nang aminin ni Zane na mahal siya nito. Naguluhan si Jay Ann kaya pinili niya si Prince Charming kaysa kay Happy. Pero bakit tila may kulang sa kanya? Bakit tila mas hinahanap ng kanyang puso si Zane kaysa sa kanyang Prince Charming na kayang ibigay ang lahat sa kanya?