Filipino Historical Genre
10 stories
La Escapador by YellowLock
YellowLock
  • WpView
    Reads 63,605
  • WpVote
    Votes 2,997
  • WpPart
    Parts 74
[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mga magulang. Isang hamon sa kanya kung papaano niya matatakasan ang kahong ito. Ngunit, may mas malaki pa siyang hamong kailangang harapin - ang mapagtagumpayang lampasan ang pader na siya mismo ang gumawa para sa kanyang sarili. Matitibag ba ng pag-ibig ang pader na ito, o lalo itong titibay kaya't hindi na ito kayang akyatin ng kahit na sino? Date started: September 28, 2017o
Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini ꞁ ✓ by pinutbutterjelli
pinutbutterjelli
  • WpView
    Reads 7,445
  • WpVote
    Votes 587
  • WpPart
    Parts 46
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula ang lahat. === Isang dalagang tumatakbo sa mga libro para kalimutan ang katotohanang kahit anong gusto niyang gawin ay di niya magagawa dahil iba pa rin ang magdidikta para sa kanya. At isang binatang nahumaling sa kanya kahit na ang tanging ginagawa lamang naman niya ay magbasa sa harap ng bintana. Isang gabi. Isang piging. Paunang salita. Limang minuto.
Dugo sa Bughaw by GYJones
GYJones
  • WpView
    Reads 16,932
  • WpVote
    Votes 1,136
  • WpPart
    Parts 36
Inspired ng mga klassik Filipino movies na gawa ng studios tulad ng Sampaguita, Premiere at LVN, ito'y kwento ng mga artista, past and present, at ng mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula. Isang hindi malilimutang soap opera. Ang istorya ay tungkol kay Andrea Rosa, ang matandang curator ng isang movie museum at ang obsession niya sa lumang pelikulang pinamagatang "Dugo sa Bughaw" na kinikilalang "greatest Filipino film of all time" at ang napipintong modern remake nito na magbabago sa kanyang buhay.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,091,860
  • WpVote
    Votes 187,593
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,620,210
  • WpVote
    Votes 617
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,329,388
  • WpVote
    Votes 196,685
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Socorro by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,906,234
  • WpVote
    Votes 84,648
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorro from pursuing her dreams and passion for writing. Despite living in the 19th century, she believes women can also do great things like men. Being the next daughter to be sent off to an arranged marriage like her older sisters, she's now determined to create her destiny and break every single custom of what a woman was taught to do. She earns money by writing love letters as a ghostwriter. Everything seems to work according to her plan until she meets a young nobleman who can catch her lies and make her feel the love she thought only exists in books. Book cover design by @mariya_alfonso Language: Filipino Date Started: October 31, 2021 Date Finished: June 18, 2022
Mi Amore: The Señorita's Desire by GorgeousJam92
GorgeousJam92
  • WpView
    Reads 50,648
  • WpVote
    Votes 10,626
  • WpPart
    Parts 55
"Huwag mong hahayaang paglaruan ka ng tadhana, paglaruan mo ang tadhana." -Graciano "Hindi na mahalaga ang kinabukasan, kung ngayon pa lang ika'y mawawala na sa akin." -Hermosa Historical Fiction (1896) The story of a young lady who fell in love with her driver but she has to marry another man who is suitable to her and belongs to rich family. Will she fight for her true love? The story of a young lady who was living normally and simple but as the story goes on, she will fight for her love ones and she will fight for the independence. She will join the group of the Katipunan.
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,156,337
  • WpVote
    Votes 182,153
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,578,110
  • WpVote
    Votes 585,856
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020