zachaccy's Reading List
173 stories
ONE SHOT  by thetropicwriter
thetropicwriter
  • WpView
    Reads 1,418,318
  • WpVote
    Votes 2,390
  • WpPart
    Parts 10
🔞|| Warning‼️⚠️ || SPG +18 content‼️ Read at your own risk‼️⚠️🔞
CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (TV Movie Adaptation & Published under Pop Fiction) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 54,277,647
  • WpVote
    Votes 761,245
  • WpPart
    Parts 91
Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat. Wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae hanggang sa makilala niya ang pinsan ng kanyang kaibigan na si Jordan. Si Jordan ang kabaligtaran ng pinapangarap niyang babae pero tuluyang bumihag ng kanyang puso. Ang babaeng handa niyang pag-alayan ng lahat pero sa bandang huli'y siya rin palang makakasakit sa kanya. ******** WARNING: RATED SPG! No need to read Loving Sebastian Greene to understand this story, okay? But I hope you'll enjoy this one like the way you enjoyed my other stories. Readers should be at least 18 y/o and above. Thank you!
TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 18,689,800
  • WpVote
    Votes 332,485
  • WpPart
    Parts 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at certified Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya niyang ginagawa ang mga bagay na maibigan hanggang sa ipatapon siya ng kanyang mga magulang sa hacienda. Doon niya nakilala si Janella na anak ng kanyang yaya. At dahil sa natural siyang mapaglaro sa babae ay 'di pa rin niya naiwasang ilapit ang sarili dito dahil iniisip niyang init lang ng katawan ang lahat. Pero habang nagtatagal ay nakakaramdam siya ng mga bagay na 'di niya naramdaman para sa ibang babae. Pero sa kabila noon ay tinalikuran pa rin niya si Janella. Hanggang sa magkrus na naman ang kanilang landas. At noon n'ya napatunayan kung gaano kahalaga sa kanya ang babae. Pero paano pa nga ba niya mapapaniwala si Janella kung nakatakda naman siyang pakasal sa iba?
MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,919,840
  • WpVote
    Votes 134,068
  • WpPart
    Parts 60
"Isang Montenegro ang magpapabago sa apelyido ni Dalisay Capekpek," usal ni Isay. Planado na umpisa pa lang. Matindi ang kagustuhan niyang mapa-ibig ni Danzel kung kaya ginagawa niya ang lahat makuha lamang ito. Ang pag-ibig niya'y isang patibong. Patibong na sa huli ay siya rin pala ang mahuhulog at masasaktan. Paano nga ba maitatama ng pag-ibig ang nakaraang nagpabagsak sa kanilang dalawa?
HIS MODERN CINDERELLA (Taming A Casanova #2) - Published under Pop Fiction by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 6,372,462
  • WpVote
    Votes 173,022
  • WpPart
    Parts 57
Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto kahit pa sa babae. Nang makilala niya si Natalia, isang club stripper, ay naranasan niya ang matanggihan. Na-challenge siya rito kung kaya ginawa niya ang lahat para lamang makuha ito. Pero nang mabigyan siya ng pagkakataong makuha ang kanyang gusto ay tila nag-iba na rin ang nararamdaman niya para rito. Hanggang saan nga ba siya dadalhin ng pag-ibig niya rito kung patuloy lang ding magbabalik ang nakaraan ni Natalia? Handa nga ba siyang manindigan hanggang sa huli?
LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle) by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 43,014,984
  • WpVote
    Votes 448,652
  • WpPart
    Parts 93
Sebastian Greene is a rich and handsome business tycoon. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig kung kaya parang kontrata lang ang tingin niya sa Isang relasyon. Kapag hindi siya nakuntento ay tatapusin lang niya iyon na parang walang nangyari. Hanggang sa makilala niya si Adison Lane. Isang inosente at magandang babae na nakapukaw ng kanyang atensyon. Noong una'y pagnanasa lang ang mayroon siya para rito, pero habang tumatagal ay nabubuo ang damdaming kinatatakutan niya noon pa. At iyon ang makaramdam ulit ng pag-ibig. At kahit na takot, ay sumubok ulit siya sa pagmamahal nito. Pero hindi naging madali ang lahat para sa kanila. Pilit silang pinaglalayo ng tadhana. Unti-unting nauungkat ang madilim na nakaraan na alam niyang magpapalayo nang tuluyan kay Adison sa kanya.
BABYSITTING THE TOP-NOTCH BRAT by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,366,700
  • WpVote
    Votes 130,582
  • WpPart
    Parts 56
Raynesha Deanise Samaniego or Ysha loves the freedom too much. Kaya naman nang mawala ang kalayaan sa kanya ay ganoon na lang ang kanyang paninibago. Kung magbabalik siya sa kalayaan ay puwede lamang niya iyong ikapahamak pati na rin ng kanyang mga mahal sa buhay. Kaya pinili niya ang magtago kasama si Russel Dylan Dela Rosa na hindi man lang niya nakikilala. She was indeed attracted to Russ dahil sa perpektong pisikal na anyo nito. At nang mabigyan siya ng pagkakataong makilala ito ay higit niyang nagustuhan ang pagkatao nito. Unti-unti siyang nabago dahil sa pag-ibig dito na hindi niya alam kung may patutunguhan. Dahil alam niyang kapag bumalik sa dati ang buhay niya, possible rin itong maglahong parang bula at maiiwan siyang luhaan.
I'M IN LOVE WITH A MONSTER by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 2,106,715
  • WpVote
    Votes 70,454
  • WpPart
    Parts 55
Si Hunter lang ang natatanging lalaking hinangaan ni Osang buong buhay niya. Pero nang magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito ay noon niya napagtanto kung gaano kasama ang ugali nito. Nang maaksidente ang lalaki at nawalan ng memorya, noon niya sinamantala ang pagkakataong makaganti rito. Ngunit sa pagsasama nilang iyon, umusbong ang damdaming hindi niya kailanman naisip na muling magbabalik. Paano nga ba niya bibitiwan ang pagmamahal na noon pa ma'y pinangarap niya kung lahat naman ay nagsimula sa kasinungalingan? Book Cover by MC Tubilla
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom) by Sha_sha0808
Sha_sha0808
  • WpView
    Reads 182,184
  • WpVote
    Votes 3,903
  • WpPart
    Parts 59
Para sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge University na pinapasukan niya. Saan kaya hahantong ang kasal-kasalan nila ng lalaking hindi pa niya lubusang kilala kung lahat ng tao ay ayaw maniwalang mag-asawa na sila at paano niya mapapatunayan sa lahat kung si Karl mismo ay itinatanggi siya? Hanggang kailan niya kayang tiisin ang kahihiyan at kamalasang nangyayari sa tuwing kasama niya ang isip-batang kapatid ni Karl na ginagawa ang lahat para lang magkatuluyan sila?
The Heart of Education (probinsya series 2) by Sha_sha0808
Sha_sha0808
  • WpView
    Reads 468,418
  • WpVote
    Votes 17,490
  • WpPart
    Parts 52
Mayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinundan siya nito sa probinsya? "Misis?" tawag ng barangay health worker. "Yes po?" "Misis, pa-fillup ng father's name," sabi nito sabay abot ng papel na finil-up-an niya. "llegitimate-" Nagulat siya nang may umagaw sa ballpen niyang hawak. "Baka hindi mo pa alam ang buo kong pangalan," malamig ang boses na sabi ng lalaki. " A-Ano ang ginagawa mo rito?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo si White sa harapan niya. "Yan ang tanong na hindi ko masasagot pero sobrang labag 'to sa kalooban ko!" sagot nito at naupo sa tabi ni Ayesha nang tumayo ang buntis na katabi nito. "White Villafuerte naman ang pangalan ko bakit hindi mo pa nilagay?" tanong ni White at napatingin kay Ayesha na para hindi makapaniwalang nasa harapan na siya nito. White Villafuerte, tahimik at maselang elementary teacher pero dahil sa mag-ina niya ay napilitang magtrabaho sa probinsya. Paano niya mababago ang buhay ng mga estudyante mula sa tribung bugkalot o ilongot na may marahas na nakaraan at hinuhusgahan ng iilan? Paano niya mapaniwala ang lahat na ang kabataan ay pag-asa "PA RIN" ng ating inang bayan? Ayesha- Tinalikuran ang pagiging nurse dahil sa pagbubuntis. Paano niya pakisamahan ang ama ng anak niya kung mas maarte pa ito kaysa sa kanya? Paano niya makumbinsi si White na kailangan pa rin niyang magtrabaho para sa bayan at gamitin ang kanyang pinag-aralan? Paano nila malagpasan ang pagsubok bilang isang magulang at bilang propesyunal ng bayan? Macdu Elementary School, Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya. ctto: Shiela Sanchez