Shanoull
Zariana Carvilano, isang estudyanteng kinahihiligan ang pagsusulat ng tula na lumipat sa San Nueva District at nagtransfer sa paaralang DVMIS-US kasama ang isang taong mahalaga sa kaniya. Naging kampante siya na magiging magaan ang bagong simula dahil kasama nila ang isa't isa.
Ngunit sa hindi inaasahan, unang araw pa lang ng pasukan ay animo'y sila'y
estranghero dahil sa pag-iwas ng tingin at hindi pagbibigay-pansin sa presensiya ng bawat isa.
Sumabak siya sa larong palakasan dahil akala niya, makakaganti siya sa paraang maging panalo ngunit unti-unti niya lamang natatanggap na hindi na maibabalik ang nakaraan kasabay ng tuluyan siyang mapapamahal sa sport at hindi na dahil sa sama ng loob.
Habang patuloy na hinahanap ng kaniyang puso ang nakasanayan, makikilala niya ang isang basketball player, Matt Artchie Villeneuve na kung saan mapagtatanto ni Zariana na kinakailangan mo talagang malayo sa isang tao kahit gaano pa siya kahalaga sa'yo lalo na kung 'yon lamang ang tanging paraan para matagpuan mo ang tamang tao pati na rin ang mahanap ang sarili mo.