TwelveSevens
- Reads 2,344
- Votes 19
- Parts 19
Madalas maririnig mo sa kalagitnaan ng gabi ang mga bulong ng mga namayapa upang makapiling ang layang inaasam-asam.
"Ngunit hindi pinapahalagahan," narinig ko ang isang boses galing sa may kailaliman ng aking kaisipan. Matagal ko na itong hindi naririnig, para bang isang bangungot na hindi matapos-tapos-bumabalik nang bumabalik. Ang tinig nito'y nakakataas-balahibo ngunit hindi naman ito nag-aalipusta o kaya'y nanunukso. "Ang isang bagay na kulang nito ay kulang . . . kulang sa pagmamahal, at, dahil doon, ay dumadaing upang ito'y mapansin."
Nakakapagtaka kung saan nangagaling ang mga bulong na ito, madalas na sumasagi sila sa aking isipan lalong-lalo na kapag ako'y malapit nang gumising. Minsan napapaisip na lamang ako kung gawa-gawa ba sila ng aking imahinasyon o may diwa pa rin ito ng realidad.
At lagi ko na lamang pinapagtanto kung ano ba talaga ang totoong kahulugan ng salitang laya.
Isang orihinal na akda ng 12-HUMSS.