Done reading;)
31 stories
Pursuing Anagapesism (one-shot) by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 157,612
  • WpVote
    Votes 5,215
  • WpPart
    Parts 2
a one-shot story from your favorite band in pursuing our freedom- anagapesism. alluringli ©2022
Cost of Taste (Published)| ✓ by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 11,779,388
  • WpVote
    Votes 468,194
  • WpPart
    Parts 46
(PUBLISHED UNDER Flutter Fic) seniors series #2 A Senior Highschool series. complete [unedited] 2# NBS Bestseller under Local Fiction [November 2024] Maraming nagsasabi na hindi naman daw patimpalak ang buhay, pero bakit ang daming hurado sa bawat galaw ng tao? Arrisea Cabrera knows this very well. Her beauty leads people to believe she is there to appease them - pero kabaliktaran naman ng kanyang ganda ang kanyang ugali. She doesn't filter her words and actions, she is rebellion itself. Bilang estudyante ng TVL track, she gets all the nasty comments when it comes to being inferior but she fights back with her savage comebacks. Para sa kan'ya, her life means her rules. Adonis Renoir Reverio appears to be the perfect preppy rich boy of the ABM strand because the dark and ugly parts of his world are hidden from the rose tinted perspectives of the people around him. Pero hindi sa kan'ya, sa isang babaing nakipagpustahan na mahuhulog siya rito. It was farfetched for her to know him more than what the surface offers but she did...and both of them suffered a lot because of it. Sometimes, we are only brave enough to try - not knowing the potential losses and not knowing the cost of tasting this kind of euphoria.
Hold You Accountable (Published) | ✓ by alluringli
alluringli
  • WpView
    Reads 21,462,552
  • WpVote
    Votes 784,797
  • WpPart
    Parts 48
(PUBLISHED UNDER Bliss Books AND Flutter Fic) seniors series #1 A Senior Highschool series. complete [unedited] 1# NBS Bestseller under Local Fiction [July 2024] Madali lang daw ang maging honor student. You just have to mix intelligence, perseverance and start being assiduous with almost everything - then you'll be rewarded with the medals you have always yearned for. Zafirah Sidney Sanchez has always been like that ever since she stepped her feet in the school grounds. Kaakibat ng pagiging honor student niya, she has always put her grades above everything and believes that she can be the best among the rest. When she met Sarathiel Zyler Aracosa of the STEM strand, he trampled on her ego when his grades were greater than hers and to add salt to the wounds - the guy did it so effortlessly. Being affronted with the sudden revelation that her enemy might just have it all even without inserting any effort, Zafirah made it her school life's mission to beat him when it comes to academics. But what if instead of the passionate hatred that she is insisting to have for him, a burning love would surface? At paano kung ang inaalagaan niyang titulo ay tuluyan nang maagaw sa kanya? And if things go wrong, who do we hold accountable for our choices? Is it our hearts or our minds? highest rank: #1 teen fiction
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,403,639
  • WpVote
    Votes 1,335,045
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Segunda by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,399,053
  • WpVote
    Votes 41,251
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #2 Si Maria Segunda De Avila ay masasabing anghel ng kaniyang mga magulang dahil siya'y likas na masunurin, magalang, tahimik, at malapit sa Diyos. Ang mga katangiang ito marahil ang naglagay sa kaniya sa katayuang hindi napapansin ng karamihan. Siya'y hindi nagtataglay ng pambihirang kagandahan, talentong maipagmamalaki, at talinong kayang makipagsabayan sa karamihan tulad ng kaniyang mga kapatid. Pinili niya ang buhay na tahimik sa kabila ng panghuhusga ng lipunan sa mga babaeng tulad niya na maaaring tumandang dalaga. Subalit, ang inaakalang niyang tahimik na buhay ay nagkaroon ng hangganan nang bumalik ang lalaking ilang taon niyang hinintay at ang pagdating ng isang pilyong binata na kakambal ang kaguluhan. Paano haharapin ni Segunda ang dalawang kapalarang naghihintay sa kaniya? Pabalik sa pangakong naudlot ng nakaraan? O patungo sa hinaharap na puno ng pakikipagsapalaran? Book Cover by Bb. Mariya Date Started: September 21, 2024 Date Completed: March 23, 2025
Socorro by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 1,923,957
  • WpVote
    Votes 84,951
  • WpPart
    Parts 28
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorro from pursuing her dreams and passion for writing. Despite living in the 19th century, she believes women can also do great things like men. Being the next daughter to be sent off to an arranged marriage like her older sisters, she's now determined to create her destiny and break every single custom of what a woman was taught to do. She earns money by writing love letters as a ghostwriter. Everything seems to work according to her plan until she meets a young nobleman who can catch her lies and make her feel the love she thought only exists in books. Book cover design by @mariya_alfonso Language: Filipino Date Started: October 31, 2021 Date Finished: June 18, 2022
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,670,276
  • WpVote
    Votes 307,301
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,341,591
  • WpVote
    Votes 196,802
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,180,788
  • WpVote
    Votes 182,494
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress) by jonaxx
jonaxx
  • WpView
    Reads 93,209,855
  • WpVote
    Votes 2,239,640
  • WpPart
    Parts 74
Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinaiyak ka na? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?