bluesky_light's Reading List
3 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,704,618
  • WpVote
    Votes 1,338,365
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Beyond The Horizon by TheTemporaryWayfarer
TheTemporaryWayfarer
  • WpView
    Reads 8,929
  • WpVote
    Votes 1,111
  • WpPart
    Parts 7
[ Winner of Competitive Journeys held by Spiritual_Universe ] Junaid was not interested in proceeding on with life, not until he saw the girl dressed in a black abaya. Standing by a food truck, cooing to a kid, she seemed to be the epitome of perfection. She was all what he wanted, everything he thought he would never need. It would have been easy for him walking over to her and striking a conversation had they led a normal life. The fact remained that they were anything but normal. They lived in the refugee camp at Palestine! Living a life of restriction in their own land, will they ever find peace? What about love? Will it make its way into their lives? Read on to find out =) ________________________________________
THE BAD BOYS AND ME  by ANIRAZCC_
ANIRAZCC_
  • WpView
    Reads 313,758
  • WpVote
    Votes 8,264
  • WpPart
    Parts 70
ON-GOING| Si Cassy ay nag-iisang anak ng milyonaryong si Jackson Perez. Ipinadala siya sa Pilipinas upang manirahan sa mansyon ng pinsan niyang si Eliza, malayo sa Australia kung saan napakaraming gustong dumukot sa kanya. Ngunit pagdating niya sa Pilipinas, hindi niya inakalang dito niya makikilala ang grupo ng mga bad boys na magpapabago sa takbo ng buhay niya. Ano kaya ang naghihintay sa kanya? Proteksyon ba ang hatid nila... o kapahamakan?