Jinky
96 stories
As Long As My Heart Beats by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 132,196
  • WpVote
    Votes 1,129
  • WpPart
    Parts 9
"I've traveled the world to find the peace only your arms can give." (Published under Precious Pages Corporation) Hindi makalimutan ni Katerina ang mga sinabi ni Brett sa kanya thirteen years ago. Ang mga salitang iyon ang naging daan para maging positibo ang tingin niya sa mundo. Ang lalaki at ang nagawa nito ang naging inspirasyon niya para mabago ang kanyang kapalaran at maging successful siya sa buhay. Sinabi niya sa kanyang sarili na mahahanap niyang muli si Brett para mapasalamatan at mabayaran ang utang na loob niya rito sa naging kabutihan nito. And fate must be really good to Katerina. Nagkita sila uli ni Brett. Pero ibang-iba na ang Brett na nakilala niya noon sa ngayon. Nang dahil sa mapapait na karanasang napagdaanan ng binata sa paglipas ng panahon, naging napakaimposible na ng ugali nito at tila galit sa mundo. He carried upon himself this ogre façade na gusto niyang tibagin. Kaya gumawa ng paraan si Katerina-inilapit niya ang sarili kay Brett para maibalik ito sa dati. Dahil sa pagkakataong ito, siya naman ang sasagip sa lalaking agad na natutuhan niyang mahalin.
Seasons of Love Series: Book 3 Memories of November Fall by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 7,205
  • WpVote
    Votes 314
  • WpPart
    Parts 10
"I'll make you happy, that's one thing I can assure you." Teaser: Nang makarating si Soo Jin sa South Korea, agad niyang hinanap ang Papa niyang di nakagisnan simula pagkabata. Ngunit isang di inaasahan ang nangyari, nang magkaroon ng financial crisis ang pinagta-trabahuhan niya ay isa siya sa nakasama sa Mass Lay Off. Nang dahil doon ay lumapit siya sa isang kaibigan at sinuhestiyon nito na mag-business na lang daw siya dahil mas malaki ang kikitain niya. Sinunod niya ito at pinakilala siya nito sa isang taong nagpapautang, si Peter Seo. Pero kabaligtaran ang nangyari sa negosyo niya, agad din iyon nalugi dahilan upang di siya makabayad ng utang. Huli na ng malaman niya na miyembro pala ng Loan Shark ito. Dahil sa pangha-harass ni Peter sa kanya, napilitan siyang tumakbo at taguan nito. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtakbo dito ay nakilala niya si Tyrone Han. Ang guwapong miyembro ng One Day. Nang malaman ng Manager nito ang nangyari sa kanya ay buong puso siyang tinulungan nito. Pero may isa siyang problema, hindi sila magkasundo ni Tyrone. Sa tuwina silang nagkikita ay palagi silang nag-aaway. Ngunit sa kabila niyon, sa tuwing nalalagay siya sa panganib, ito ang kauna-unahang tumutulong sa kanya. Hanggang sa namalayan na lang niya na umiibig siya dito.
Summer Kiss by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 10,067
  • WpVote
    Votes 362
  • WpPart
    Parts 14
Dette is an aspiring news reporter of SBN Network, ang pinakamalaking TV Network sa South Korea. Sa laki ng hirap niya para lang makapasok doon, pinangako niya na gagawin ang lahat matupad lamang ang pangarap niya. Until opportunity knocks at her doorstep. Sa lahat ng trainee ay isa siya sa nangungunang candidate para maging regular employee. Hanggang sa bigyan sila ng kani-kanyang assignment. Ang napunta sa kanya, alamin ang katotohanan tungkol sa issue na napapabalitang pag-alis ni Jacob Wang ng sikat na grupong Seven Degrees. Sa pamamagitan ng koneksiyon, nagawang makalapit ni Dette sa Seven Degrees. Unang engkwentro nilang dalawa ay nagsabog na ito ng kayabangan sa katawan. Nagulantang lalo ang mundo niya ng bigla siyang halikan nito. Ngunit ang lalong kinaiinis niya dito ay sa dahilan ng napaka-guwapo nito. Sa pagpasok niya sa buhay nito, ay nagawa niyang malaman ang katotohanan tungkol sa issue ng pag-alis nito sa grupo. Ngunit kasabay niyon ay ang pagtibok ng puso niya sa binata. She's now torn between fulfilling her dream and hurting the man that she loves. Ano ba ang mas matimbang sa kanya? Ang pangarap niya? O ang pag-ibig niya para kay Jacob Wang?
An Autumn's Tale by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 7,500
  • WpVote
    Votes 248
  • WpPart
    Parts 20
"This is your fault. Bigla ka na lang dumating isang araw at bumalik sa buhay ko. Hindi mo na ako pinatahimik simula noon." Teaser: Kate went to Seoul, South Korea for three reasons. Una, ang magkaroon ng bago, mas tahimik at maayos na buhay. Pangalawa, para tuluyan na siyang makalayo sa ex-boyfriend niyang ayaw siyang patahimikin. Pangatlo, ang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng malawak na kaalaman sa Korean Fashion World. Ngunit sa pagharap niya sa panibagong buhay doon sa Seoul, ay muli silang nagkita ni Yohann Choi, ang isa sa miyembro ng sikat na grupong Seven Degrees. Her first love. Hindi akalain ni Kate na ang muli nilang pagkikita ay masusundan pa ng mas marami, matapos siyang maging stylist ng grupo. Umiwas siya sa binata, dahil sa tuwing nakikita niya si Yohann ay pinapaalala nito ang ex-boyfriend niya. Hanggang sa magtalo sila isang araw at nagulat na lang si Kate ng bigla siyang halikan nito sa harap ng maraming tao. He hates him for doing that but that kiss really blow her mind, and it cause her many sleepless nights. Sa pagsasama nilang dalawa, natagpuan na lang ni Kate ang sarili na muling tumitibok ang puso para ka Yohann. Takot man dahil sa pagkabigo niya sa dating nobyo. Muling sumugal si Kate nang tanggapin niya ang pag-ibig ni Yohann nang magtapat ito sa kanya. Ngunit ang masayang sandali nilang dalawa ay tila isang magandang panaginip lang, dahil nagising na lang siya isang umaga na lahat pala tungkol sa kanilang dalawa ay pawang kasinungalingan lang.
Kissing You Goodbye (First Draft Version) by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 132,295
  • WpVote
    Votes 3,665
  • WpPart
    Parts 23
Maxwell Quintanar may be a dream guy for a lot of women, but for Jan Marie, he was nothing but an arrogant and condescending jerk who happened to be filthy rich and, well, handsome. Bakit niya hahangaan ang lalaking napakababa ng tingin sa kanya? Pero nang bagyuhin ng kamalasan ang kanyang pamilya, natuklasan ni Jan Marie na malaki pala ang utang nila sa lolo nito--kay Don Maximo. At si Maxwell ang inatasang kumuha ng natitirang ari-arian nila: ang kinalakihan niyang mansiyon. Kahit labag sa loob ni Jan Marie, pinuntahan niya ang lalaki para pakiusapan--at hindi sinasadyang nailigtas niya ang buhay nito. Bilang pasasalamat sa pagliligtas niya sa buhay ng apo, nakahanda raw si Don Maximo na tulungan siya. May isa lang itong hinihinging kapalit: kailangan niyang magpanggan na fiancee ni Maxwell. Desperada na si Jan Marie kaya pumayag siya. Tutal naman, may lapses ang memories ni Maxwell nang magising, madali niya itong mapapaniwala. Kailangan lang niyang magpanggap hanggang sa bumalik ang memories ng lalaki. Pero hindi niya napaghandaan ang Maxwell na may amnesia: sweet, malambing at very lovable...
LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 21,228
  • WpVote
    Votes 1,342
  • WpPart
    Parts 42
Mercury met Keithlyn Morgan in the worst situation. Biktima ito ng human trafficking sa bansang Mexico. Sa illegal auction na mismong dinaluhan niya, una niyang nakita ang nakapiring at nakakadenang dalaga sa kakarampot na saplot. He wasn't really trying to rescue the girl but somehow they ended up together running away from the enemies. Wala siyang planong isabit ang kahit na sino sa gitna ng kanyang misyon at sa paghahanap niya sa kanyang nakaraan subalit nasa alanganing sitwasyon ang babae. Mercury took the girl with him out of responsibility and slowly fell with her charms and antics eventhough he was disgusted with women. When they parted ways, he wasn't the same person anymore. Hinanap-hanap niya ang presensiya nito at saka niya na-realize kung anong kulang sa buhay niya. With Keithlyn's help, he was able to forgive his mother who abandoned him. Natutong umiyak, ngumiti, at tumawa ang isang malamig na taong gaya niya. Nakita niya ang liwanag sa katauhan ng babae sa kabila ng madilim niyang kahapon at hinaharap. But will he able to attain the freedom to love if he didn't even had the freedom to live?
True Colors [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 127,243
  • WpVote
    Votes 5,402
  • WpPart
    Parts 62
Tragic. That would best describe the lives of these two persons who meet their dead end. A painter who couldn't see the colors and a seeker who couldn't grasp life-somehow they collided in a disturbing situation that would benefit them both. "Help me. Cure me please." Iyon ang mga salitang nagpayakag kay Jester upang tanggapin ang alok na trabaho ni Danica-isang dalagang introvert na takot sa mga tao. At ang magiging trabaho niya-instant lover! "If you have a lover, it would settle you perhaps. For you to gain confidence, physical relationship might help." Iyon ang payo kay Danica ng kanyang Psychologist. Minsan na siyang nawala sa sarili dahil sa naging kondisyon ng kanyang mga mata. Binitiwan niya ang pagpipinta na sobrang mahal niya. Itinaboy niya ang sariling pamilya. She became a shut-in writer instead. Sa panahong naging desparada na siya para baguhin ang buhay, nakilala niya si Jester-isang ex-convict na di binigyan ng pagkakataon ng lipunang makapag-simula. Dahil sa pagkakaligtas nito sa kanya, muling nasabit ang pangalan nito sa gulo. Para makabawi, ninais niyang tulungan ito sa naisip na paraan. Pero matutulungan nga ba nila ang isa't-isa sa pamamagitan ng isang relasyong may palugit? Para sa isang dalagang nawalan ng attachment sa mundo at sa binatang hindi na naniniwala pa sa pag-ibig-it might not turn out on what they would expect-the blooming of the most beautiful and painful love story of all.
Love  Links 7: You Are My Dearest Prescription [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 36,072
  • WpVote
    Votes 1,626
  • WpPart
    Parts 40
Black Eclipse-ang bandang namamayagpag noong highschool si Ran. Di niya sukat akalaing magiging malapit sila ni Francis Van Robles-ang lead guitarist at ang pankistang miyembro ng banda. He was bored. She was a natural comedian. Natagpuan nila ang mga sariling nagiging malapit sa isa't-isa nang mag-transfer ang binatilyo sa eskuwelahan ni Ranessa. Akala ni Ran ay wala nang hahadlang pa sa magandang samahan nila. Handa siyang maging alalay, katulong, bodyguard, tiga-aliw, at sidekick ng lalaki. Pero inalok siya nitong maging girlfriend at tuluyan nang bumigay ang puso ng dalaga. But for some reason, she doubted their relationship. Natuklasan niyang mahal pa rin nito ang ex-girlfriend nito na hindi na nito puwedeng ibigin. Ginawa lang siyang panakip butas ng kumag. She was deeply hurt. Nakipag-hiwalay siya sa binata dahil sa pag-aakalang iyon ang makabubuti para sa kanilang dalawa. Pagkalipas ng ilang taon, di inaasahan ni Ranessa na makikita niya si Francis sa ospital na pinagtatrabahuhan niya. The piercings, chains, and rock aura were long gone. Sa halip ay isang disenteng Francis na nakaputing lab-gown at may stethoscope na nakasabit sa leeg ang nakaharap niya. She thought that destiny brought them together again. Nakahanda na siyang sumubok ulit. But Francis welcomed her with an ordinary stare and some big fat news-he did forget about her and he had already a fiancé-Ouch!
Duke Sebastian by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 101,072
  • WpVote
    Votes 2,009
  • WpPart
    Parts 16
"Remind me that you love me always" Dinukot si Lara sa araw ng kanyang kasal. Lalo siyang nalito nang dalhin siya ng lalaking nagpakilalang Duke Sebastian sa Forbidden Island, isang malaparaisong isla. Itinago sa kanya ng guwapo ngunit antipatikong lalaki ang dahilan kung bakit siya dinala nito roon. Ang nakapagtataka, para sa isang abducted bride ay sinabi ni Duke na malaya siyang mamasyal sa isla at gawin ang gusto niya. Unti-unti, napansin ni Lara ang magagandang katangian ni Duke. Ang malungkot na mga mata nitong tila may itinatagong lihim, ang mapupulang labi na tila kayang magpawala ng katinuan ng sino mang babaeng hahagkan nito. Suddenly, naalerto ang mga pandama niya. Maging ang tibok ng puso niya ay kumokontra sa sinasabi ng isip niya. At nang hagkan siya ni Duke at yakapin ay para bang noon lang siya nakadama ng tunay na pagmamahal. Nang sa wakas ay matuklasan ni Lara na may kinalaman sa fiancé niya kung bakit siya dinukot ni Duke, noon din niya natuklasan na umiibig na siya sa lalaki. Totoo kaya ang pag-ibig na ipinadama ni Duke sa kanya, o bahagi lang iyon ng pinlano nitong paghihiganti? This was published in PHR, I quess okay lang naman kung share ko dito. I remember, 'yong heroine dito ang name ng dating workate ko na adik sa PB