MeundertheSky
𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓 𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 - 𝙍𝙄𝙂𝙃𝙏 𝙒𝙃𝙀𝙍𝙀 𝙔𝙊𝙐 𝙇𝙀𝙁𝙏 𝙈𝙀
- 𝑴𝑨𝑳𝑬 𝑷𝑶𝑽
Hindi ko kailanman pinangarap na maging café owner. Dati akong engineering student-hanggang bumagsak ako sa exam na akala ko'y magbibigay direksyon sa buhay ko. Mula noon, pakiramdam ko wala akong degree, wala akong plano, at lalong wala akong halaga. Kaya itinayo ko ang Cold Brewed, isang café na bukas lamang mula 8 PM hanggang 2 AM-tahimik, simple, at sapat para makapagtago sa mundo.
Nagbago ang lahat nang dumating si Sera. Isang babaeng may boses na kayang punuin ang silid kahit kakaunti lang ang nakikinig. Sa bawat kantang inaawit niya, ramdam ko ang bigat at gutom na pilit niyang tinatago-ngunit mas nangingibabaw ang pag-asang ayaw niyang pakawalan. Ako, sanay nang matalo. Siya, walang takot na lumaban.
At sa bawat gabing naririnig ko ang boses niya, unti-unti kong natutunan na hindi pala nagtatapos ang halaga ng isang tao sa isang pagkatalo. Minsan, may dumarating lang para ipaalala sa'yo na sapat ka-kahit hindi mo pa kayang paniwalaan iyon para sa sarili mo.