pichii0909
Mainit, mausok, madilim
Balat ko'y tila agnas na ngunit ako'y buhay pa
Malaking salamin sa aki'y nakapaligid
Ako'y nagtaka
Nagtanong sa aking saili
Bakit ako nandito?
Tinitigan ang sariling imahe sa malaking salamin
Nagnilay sa nangyari
Oo ... Tila alam ko na.
Namulat ako sa mundo na busog sa pagmamahal at kalinga ng aking mga magulang.
Pinalaki ng tama at may takot sa amang dakila.
Hindi naglaon buhay ko ay nasira.
Naimpluwensyahan at nag pa-impluwensya sa gawaing masama
Natutong manigarilyo at uminom ng alak
Namulat sa tawag ng laman
Pumasok sa mundong makasarili at puno ng galit
Galit?? ..
Alam ko na kung bakit
Ako ay umibig.
Masarap, masaya tila lahat ay tama
Lalo na ang kanyang yakap at halik.
Ngunit ang saya ay napalitan ng sakit
Halik nyang matamis napalitan ng pait.
Ako'y tila biktima na sa kanyang kama ay lumuluha ng mag- isa at walang damit.
Nabuo ang aking pasya...
Sya ay nagloko, nagtaksil sa aming sinumpaang pangako
Paningin ko'y nagdilim bumunot ng patalim.
Ang kanyang katawan na nuon ay aking sinasamba
Walang awa kong winasak at binuwag.
Kasabay ng pag patak ng aking luha ay pag kalat ng kanyang dugo sa higaan na aming pinagsaluhan.
Nagsindi ng sigailyo
Ako ay nalilito.
Heto na kakalabitin ko na ang gatilyo