Sabina Lei/Dior Madrigal/Venice Jacobs
38 stories
The Silent Duology 1: The Silent Attack by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 52,180
  • WpVote
    Votes 2,358
  • WpPart
    Parts 65
Samantha Escanillas. Isang lawyer. Niel Pascual. Isang private investigator. Abby Custodio. Isang police officer. Niel Lozano. Isang convict. Lahat sila ay may kanya-kanyang paniniwala, kanya-kanyang gustong ipaglaban. Pinagsama-sama sila ng isang kasong babago sa kanilang mga buhay, sa kanilang mga paniniwala. Who is guilty? Who is innocent? Be careful on who you trust.
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 8: Lance Barrera by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 69,846
  • WpVote
    Votes 1,905
  • WpPart
    Parts 22
Walang ibang hiling si Denise kundi magkaroon ng maayos na buhay at talikuran ang isang trabaho na napilitan siyang pasukin. Sa trabahong iyon ay nakilala niya si Lance Barrera. Seryoso ito, mayaman pero hindi naging hadlang iyon para magkaroon sila ng magandang pagkakaibigan. Kaibigan lamang ang dapat na ituring ni Denise dito. Pero hindi niya pa rin napigilan ang sariling humigit pa doon ang nararamdaman para kay Lance. Hindi iyon puwede. Nakatali na siya sa ibang lalaki na nagligtas sa kanya sa hindi magandang buhay noon. At siguradong wala ring katugon kay Lance ang kanyang nararamdaman. Palaging sinasabi ng lalaki na may isang parte ng pagkatao nito ang hindi matatanggap ng kahit na sino - ang dahilan kung bakit ito iniwan ng dating asawa at kung bakit nawala na ang paniniwala sa mga salitang 'pag-ibig' at 'pamilya'.
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 7: Judd Samaniego by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 56,687
  • WpVote
    Votes 1,423
  • WpPart
    Parts 16
Sa wakas ay natupad na rin ni Jillianne ang pangarap na maging isang kilalang reporter at utang niya ang lahat ng mga nakamit na tagumpay sa pamilya ni Christopher Samaniego, Jr. She once worked as a maid in their home, kapalit ng libreng pagpapa-aral nito sa kanya. Masaya na si Jillianne sa kanyang panibagong buhay kasama ang nobyong si Roger Yap, isang businessman na laging nasa kanyang tabi tuwing kailangan ng tulong. They were engaged to be married and she couldn't wait to have him as her husband. A few months before their wedding, hindi inaasahan ni Jillianne na muli niya pang makikita si Judd Samaniego - ang makulit na pinsan ng dating amo na si Christopher. Walang ginawa ang lalaki noon kundi ang pahirapan siya. Subalit malaki na ang ipinagbago nito, hindi na ito ang batang Judd na palaging nanggugulo sa kanya. Umaakto pa itong parang ni minsan ay hindi siya nito nakilala o nakausap. Ayos lang naman iyon kay Jillianne, ayaw niya rin namang magkaroon pa ng koneksiyon sa lalaki. Kung may utang na loob siya sa mga Samaniego, kay Christopher lang iyon at sa pamilya nito. Pero bakit pakiramdam niya ay puno ng galit ang bawat tingin at salitang binibitawan ni Judd sa kanya tuwing magkakaharap sila? Ano ba ang nagawa niya para kamuhian siya nito?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 6: Kenny Fabella by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 60,673
  • WpVote
    Votes 1,927
  • WpPart
    Parts 20
Gustong-gusto ni Clarice na makatapos ng pag-aaral dahil nais niya nang baguhin ang takbo ng sariling buhay. She was left alone in an early age kaya sanay na siyang mag-trabaho para sa sarili. Then one day, dumating na ang trabahong sagot sa problema niya. Iyon ay ang maging nanny ng baby ng isang sikat na movie director na si Kenny Fabella, ang lalaki na yata ang pinakamayabang at masungit na lalaking nakilala. Hindi maintindihan ni Clarice kung bakit ganoon na lang ang kawalan nito ng interes sa batang kanyang inaalagaan. Ilang beses din na sinabi ng lalaki na hindi nito anak ang bata. Ganoon na ba talaga ang mga magulang ngayon? Madali na lang para sa kanila ang iwanan o 'di kaya ay itanggi ang kanilang mga anak? Kung puwede nga lang sana niyang batukan ang Kenny na iyon ay matagal nang ginawa. Subalit sa kabila ng inis na nararamdaman ni Clarice ay hindi naman naiwasang unti-unting mahulog ang kanyang loob sa masungit na amo. Hindi niya maiwasang hilingin na sana ay siya na lamang ang ituring na ina ng batang inaalagaan.
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 5: Nico Santiago by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 65,727
  • WpVote
    Votes 1,815
  • WpPart
    Parts 21
*This is an unedited version.* Dianne was a widow - a virgin widow to be exact. Simula ng mamatay sa isang aksidente ang asawa niyang si Arnold ay ipinangako niya sa sariling hindi na uli siya magpapatali sa isang relasyon kung saan walang napapala kundi pawang sakit, paghihirap at kalungkutan. Subalit isang malaking pagbabago ang nangyari sa buhay niya nang muling makatagpo si Nico Santiago isang taon matapos mamatay ng asawa. Si Nico ay isa sa malalapit na kaibigan nila ni Arnold. Silang tatlo ang madalas na magkasama noon. Hindi maintindihan ni Dianne kung bakit nag-iba ang klase ng pagtrato at pagtingin ni Nico sa kanya ngayon. Pero mas higit na hindi maintindihan ni Dianne ang sayang nararamdaman kapag kasama ang binata. At maging ang pagpapadala niya sa bawat halik at haplos nito. Hindi ito tama. Kaibigan si Nico ng dating asawa at siguradong pag-uusapan siya ng mga tao kung sakaling patuloy siyang makikitang kasama ito. At isa pa, isang sekreto ng asawa ang pinaka-iingatan niyang itago - isang sekretong nagkulong sa kanya sa pagsasama nila ng mahabang panahon. Isang sekretong hindi niya maaaring ipaalam sa ibang mga tao. Magagawa niya bang patuloy na panghawakan ang sekretong iyon at bitawan ang sariling kaligayahan?
[Completed] Cold Eyes Saga 3: There Will Be More Blood by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 113,040
  • WpVote
    Votes 3,594
  • WpPart
    Parts 64
Cops, government officials and businessmen were being killed. Kasabay ng matinding pag-iingat, kailangan ding kumilos ng mabilis ng team ni Jemimah para mahuli ang killer na tila may galit sa gobyerno at sa mga nasa awtoridad. Bomb threats everywhere. Isa pang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ay ang mga mensaheng ipinapadala sa SCIU patungkol sa mga lugar na planong bombahin. Lots of lives were at stake and they needed to work faster. Pero hindi lang pala iyon ang problemang kakaharapin ng kanilang team, mayroon pang isang problemang sisira sa grupong matagal na inilagaan. Sisira sa kasiyahan at pag-asa ng bawat isa...
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 142,446
  • WpVote
    Votes 6,447
  • WpPart
    Parts 93
A famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters ng SCIU - another murder and the killer's suicide. Sa pagiimbestiga ng kaso, nalaman nina Jemimah na iisa lamang ang gumawa ng lahat ng iyon. Isang serial killer ang gumagala sa lungsod, pinaglalaruan ang isipan ng mga tao para sila ay pumatay at pagkatapos ay kitilin ang sariling buhay. Isang monster na ginagawang puppet ang mga tao... Pero hindi magiging madali ang lahat, lalo na at iniimbestigahan nila ang serial killer na nagtatangkang sumira sa kasiyahan nilang lahat - si Destroyer...
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 3: Megan, The City Lover Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 698,706
  • WpVote
    Votes 8,288
  • WpPart
    Parts 58
Isang malaking pagbabago ang nangyari sa takbo ng buhay ni Megan nang maligaw siya sa isang liblib na lugar sa Batanes. Doon ay nakilala niya si Emmanuel nang muntikan niya na itong mabangga. Sinabi ng lalaki na umalis ito sa lugar na tinutuluyan dahil wala na daw makakasama doon. Ang ikinagulat ni Megan ay walang kaalam-alam si Emman tungkol sa modernong sibilisasyon dahil simula pagkabata ay nakakulong na ang lalaki sa baryo ng mga itong hindi yata nadadaanan ng mga tao. Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi niya ito isinasama kaya napilitan si Megan na kupkupin ito at turuan ng mga bagay na hindi nito alam. Kahit na para itong isang batang babagong labas lamang sa mundo dahil sa pagkamangha sa mga bagay na moderno, nakaramdam pa rin naman si Megan ng tuwa na makasama ang lalaki at maturuan. She wanted him to learn different things para magawa na nitong buhayin ang sarili at tumayo sa sariling mga paa. Pero bakit minsan ay mas gusto ni Megan na patuloy lang sumandal at manatili sa tabi niya ang lalaki? Masyado na ba siyang nawili na makasama si Emman kaya ayaw niya na itong pakawalan?
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 677,851
  • WpVote
    Votes 8,008
  • WpPart
    Parts 45
Hindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito at maging tulay para mapaglapit ang mga ito. It didn't take long until those two entered a relationship. Akala niya ay tapos na ang komunikasyon niya sa lalaking iyon pero nagkamali siya. Dahil sa hilig ng kaibigan niya sa paghahanap ng kasiyahan sa iba't ibang lugar ay siya ang pinakiki-usapan nitong samahan muna ang boyfriend nito tuwing hindi ito makakarating sa usapan ng mga ito. Kahit ayaw niya ay wala na rin naman siyang choice dahil naaawa rin siya sa lalaking iyon na halatang patay na patay sa kaibigan niya. Pero mas matindi ang pagkaawang naramdaman niya para dito nang malaman niyang niloloko ito ng kaibigan niya. She didn't know what to do. Sasabihin niya ba dito ang mga panloloko ni Cheska at sirain ang tiwala ng kaibigan? She knew that she shouldn't meddle with their relationship. But there was a part of her heart that wants this man to forget her friend and just look at her. Why was she being like this?
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 4: Jex Hamilton by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 48,692
  • WpVote
    Votes 1,473
  • WpPart
    Parts 15
*This is an unedited version.* Kahit na anong available na raket ay pinapasukan ni Nicole para lang kumita ng pera at maipang-sustento sa mga kapatid. She even tried stealing once, at doon niya nakilala ang makulit na si Jex Hamilton. Tinulungan pa siya nito sa ginagawa at simula noon ay palagi niya nang kasama ang lalaki sa mga raket. He was the best partner she ever had. Parehas lang kasi silang dugo't pawis ang inuubos para may maipakain sa kanya-kanyang pamilya. Iyon ang akala ni Nicole. Until she found out that this man was one of the most successful and influential computer programmers in the world. A billionaire, for short. Hindi niya mapatatawad ang lalaki sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Ilang beses na kaya siya nitong pinagtatawanan sa kanyang likod?