AkuniDeIsyuZero's Reading List
4 stories
Detour by AkuniDeIsyuZero
AkuniDeIsyuZero
  • WpView
    Reads 2,155
  • WpVote
    Votes 164
  • WpPart
    Parts 28
Si Jeth, isang binatang patapon ang buhay sa mata ng lahat. Kinalimutan na niya ang dating siya matapos ang sunod-sunod na trahedyang nangyari sa kanyang buhay. Sa ngayon, nabubuhay siya sa dilim - sa mundo ng galit at poot, sa mundo ng mga bisyo at kalaswaan, sa mundo ng lungkot at pag-iisa. Hindi na siya umaasang may magandang bukas pang darating para sa kanya. Nabuo sa isip niya na kaya siya nananatiling buhay ay para makapaghiganti sa taong dahilan ng kanyang pagbagsak sa mundong kinalalagyan niya ngayon. Habang buhay na lang ba mananatili si Jeth sa kanyang madilim na mundo? Sino si Atty. Montemayor at ano ang kinalaman niya sa pagkabigo ni Jeth? Ano ang magiging papel nina Jenny at Maica sa buhay ni Jeth? May pag-asa pa ba kayang mabalik ang dati niyang buhay, lalong lalo na ang kanyang pananampalataya sa Diyos? Paano niya mare-realize na ang kanyang pinagdadaanan ngayon ay isa lang palang detour? Abangan.
Ylickah: D Jejemon Princess by AkuniDeIsyuZero
AkuniDeIsyuZero
  • WpView
    Reads 3,126
  • WpVote
    Votes 212
  • WpPart
    Parts 30
Kapag mali-mali ang English, bobo na kaagad? Kapag jologs ang mga trip, cheap na kaagad? At kapag jejemon, adik o masamang tao kaagad? Hindi ba pwedeng artistic at nagpapakatotoo lang? Tunghayan ang makulay na buhay ni Ylickah, ang naturingang prinsesa ng mga jejemon at ang tunay na prinsesang mas piniling magpaka-jejemon. Abangan ang kanyang makabuluhang paglalakbay na puno ng mga kalokohan at kaguluhan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ano kaya ang mangyayari kapag nag-krus ang landas nila ng pickuperong conyo boy na si Bigoy? Paano kung papasukin nilang dalawa ang naiibang mundo ng isa't isa? May mabubuo kayang love story sa pagitan ng isang jejemon at isang conyo boy? Abangan.
Sa Tukador ni Mang Dador by AkuniDeIsyuZero
AkuniDeIsyuZero
  • WpView
    Reads 2,418
  • WpVote
    Votes 132
  • WpPart
    Parts 17
Pagpasok ng unang araw ng taong 2020, kasabay ng mga paputok at mga naghihiyawang tao, ay ang pagdating ng isang malawakang catastrophic event. Bagong taon, bagong mukha ng mundo. May iilang survivors pero unti-unti rin silang mamamatay dahil sa napakalaking pagbabago sa kanilang mundong ginagalawan. Higit sa lahat, ang Gamma Maxima ay halos lubusan nang nagtatagumpay sa pagsakop at paghahari sa buong sangkatauhan. May mga ginawang paghahanda si Keno, isang binatang may misteryosong pagkatao. Alam niya ang lahat lahat tungkol sa paparating na delubyo, pero kagaya ng mga ordinaryong tao sa kanyang paligid, marami siyang mga tanong na sinusubukan niyang mahanapan ng sagot. Paano nga ba niya nalaman na may paparating na solar superstorm? Paano niya nalaman na hindi lang ang delubyong ito ang dapat ikabahala ng mga tao? Sino ba talaga si Keno at ano ang meron sa tukador ni Mang Dador? Abangan.
The Lotto Loko Race by AkuniDeIsyuZero
AkuniDeIsyuZero
  • WpView
    Reads 2,680
  • WpVote
    Votes 158
  • WpPart
    Parts 23
Isang lotto draw, dalawa ang jackpot winners - si Jelay, isang kikay at hopeless romantic na college student, at si Borgz, isang gwapitong gangster na mahilig sa away at iba't ibang bisyo. Sa hindi maipaliwanag na biro ng tadhana, parehong nawala ang kani-kanilang mga lotto ticket kaya ngayon, ginagawa nila lahat ng paraan para mahanap ito at makuha ang premyo sa lalong madaling panahon. Paano malalampasan ni Jelay ang mga maiitim na balak ni Borgz at ng kanyang mga kasamang gangster para maunahan siyang makahanap ng isa sa mga nawawalang ticket? Ano ang kinalaman ni Marthy sa buhay ng dalawang lotto winners? Ano ang magiging papel ni Shyla at iba pang members ng Spice Girlaloos sa laban ni Jelay na siya mismo ay hindi nakakapansin? Ano ang malaking pagbabago na naghihintay sa kanya-kanyang buhay ng mga tauhan sa kwentong ito? Abangan.