LearnToLoveMe
Ang isang larawan ay napakagandang pagmasdan. Ito'y nagpapakita ng iba't ibang emosyon ng isang indibidwal. Ika nga, mababasa mo ang isang tao sa kanyang larawan, lalo na kung ang kanyang mga mata ang iyong tititigan.
Ang wika ng ilan, ang larawan ay mapanlinlang, kayang itago ang emosyon at nararamdaman. Natatakpan ng isang matamis na ngiti ang emosyong pilit na itinatanggi.
Ngunit paano kung ang isang larawan ay magamit sa kasamaan? Paano kung ang larawan ng isang napakagandang babae ay gamitin para makapaghiganti? Nanaisin mo parin bang pagmasdan ang kanyang larawan?
Ako si Tyra Jefferson, isang babaeng binabangungot ng nakaraan, sa pamamagitan ng isang LARAWAN.