seashells______
"Wow ah, parang hindi ako minahal," iyan na lamang ang nasabi ni Virgo nang makita ulit si Ovelia-ang intern na nakaassign na maging attending physician ng pamangkin niyang si Jer-jer. Siguro, dahil masyadong nasaktan sa nakaraan, hindi man lang nito nagawang mag-"hi" o" hello" sa kanya nang magkita ulit sila pagkatapos ng apat na taon.
Pero, pasalamat na rin siya. Hindi na niya ito kailangan hanapin sa kung saan-saan. Ang pamangkin niya lang pala ang magsisilbing tulay para makita ulit ang dalaga. Basta ang sabi niya sa sarili, gagawin niya ang lahat, mag-hello lang ulit ito sa kanya.