oharafatimaphr
- Reads 34,197
- Votes 413
- Parts 47
Namomroblema si Queenie dahil nawalan siya ng trabaho. Pero gaya ng kasabihan, kapag may nawala, may papalit. Nagkataon nga lang na hindi trabaho ang pumalit kung hindi tao. Isang napakaguwapong nilalang sa katauhan ni Chris-ang bago niyang kapit-bahay.
Sa unang pagkikita pa lamang ay nagkaroon na ng instant crush si Queenie rito kaya hindi niya napigilan ang sarili na palihim na kumuha ng larawan kasama ito sa tuwing hindi ito nakatingin. She thought, picture is the only way that she could be together with this man, pero nagkamali siya.
Nabigyan siya ng pagkakataon na mapalapit rito nang mangailangan ito ng makakatulong sa grand opening ng business nito. Natural ay hindi na niya papalampasin ang pagkakataon. Sa pagkakalapit nilang iyon ay hindi inaasahang nahulog ang mga damdamin nila para sa isa't-isa. May isang problema nga lang-ang ex-girlfriend nito na muling nagbabalik sa buhay ng binata. Sino nga ba ang mas matimbang sa puso nito-siya o ang dati pa ring nobya?