Doc-Atty
Nasaktan, niloko, at iniwan. Handa si Rilaene na gawin ang lahat para maibalik si Ethan, ang lalaking iniwan siya para sa iba. Ngunit ang kanyang plano para sa paghihiganti ay maaaring magresulta sa kanyang pagbagsak sa kanyang sariling bitag, o sa isang mas malalim at mas mapanganib na laro. Kaya niya kayang umahon mula sa pagkalunod sa isang sitwasyon na dapat sana'y kanyang iniwasan? Dala lang ba ito ng bugso ng damdamin, o sadyang iyon talaga ang kanyang nararamdaman? Si Ethan ba talaga ang dahilan, o may mas malalim pa? Paano niya paniniwalaan ang isang bagay kung siya mismo ay walang tiwala sa sarili? Lalo na sa sariling isinisigaw at pinipintig ng kanyang puso?