ichararat's Reading List
2 stories
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot (Completed) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 290,757
  • WpVote
    Votes 7,795
  • WpPart
    Parts 20
Pangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her existence known to the man of her dreams. Nagpanggap siyang katulong para lang mapalapit dito. Pero ang naging tingin nito sa kanya ay isang bangungot na hindi nito maalis-alis sa tabi nito. Tuloy ay laging mainit ang ulo nito, lagi siyang inuutusan, sinisigawan, at pinagbabagsakan ng pinto. Pero hindi siya sumuko. Bale-wala iyon sa kanya as long as hindi siya pinapalayas nito sa bahay nito sa kabila ng gabundok niyang kapalpakan.
Barely Heiresses Series: BERRY (COMPLETED) by Sonia_Francesca
Sonia_Francesca
  • WpView
    Reads 217,379
  • WpVote
    Votes 5,733
  • WpPart
    Parts 20
Tahimik ang buhay ni Berry sa isang squatter's area sa Tondo, nang dumating ang isang hindi niya inaasahang suwerte. Isa raw siya sa tagapagmana ng isang mayamang don mula sa Sagada, sabi ng guwapong abogado na naghanap sa kanya. Pero may mga kundisyon ang lolo niya bago niya makuha ang kanyang mana. Isa na roon ang maging mahinhin na dalaga na babagay sa dadalhin niyang pangalan ng kanilang angkan. Tsiken! Madali lang iyon kay Berry lalo na at ang guwapong abogado ang tutulong sa kanya para maging prinsesa. Ang problema, nalaman ni Berry na may sarili ding agenda si Atorni kaya siya nito tinulungan. At ang mas malaking problema, apektado siya dahil nangarap siyang pupuwede sila kahit malayo siya sa babaeng magugustuhan nito. Sabi na nga ba, eh. Dapat nanahimik na lang siya sa isang tabi at nagbilang ng kanyang kayamanan. Pahamak talaga ang puso kahit kailan.