fantasy
20 stories
GODLY GENE: Sylvan Darvell [VOLUME 1] GODLY SERIES #4 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 5,826
  • WpVote
    Votes 349
  • WpPart
    Parts 11
Si Harrie Hernandez ay isang binata na bigla na lamang napadpad ang sarili niya sa kakaibang mundo matapos ang isang hindi inaasahang aksidente na siyang nagdulot sa kaniya upang maglakbay ang consciousness niya sa isang pambihirang mundo. Hindi niya aakalaing ang isang dakilang mambabasa na katulad niya sa paborito niyang piksyun ay totoo palang nag-eexist at nararanasan niya ngayon. Mahilig pa naman siyang tumuklas ng mga kakaibang bagay at pinapangarap niya na maglakbay sa hinaharap. Paano nalang kung ang mga bagay-bagay na malalaman niya ay higit na mas nakakamangha pero nakakapangilabot din at the same time. He is only a 16 years old yet he died in a stupid way. Nadismaya siya noong nalaman niyang ang binabasa niyang paboritong mga libro ay nag-end up badly lalo na kung hindi namatay ang mga bida ng mga magagandang librong nababasa niya ay puro miserableng mga katapusan ang nababasa niya. Kaya nga nang mapadpad siya sa mundong ng Cultivation at nabigyan ng panibagong buhay upang maglakbay, sumuong sa labanan at tumuklas ng mga pambihirang mga bagay-bagay ay ipinangako niya sa kaniyang sarili na bibigyan niya ng halaga ang kaniyang sarili maging ang natutunan niyang mga bagay noon sa mga binabasa niya ay babaguhin niya. Magiging bida ba siya ng pangalawang buhay niya sa mundo ng Cultivation o magiging talunan siya kagaya ng paboritong librong nababasa niya noon? Halina't tunghayan natin ang panibagong Yugto ng buhay ng binatang si Harrie Hernandez bilang ang bagong nagmamay-ari ng katawan at katauhan ni "Sylvan Darvell", isang 18-years old na binata sa pambihirang paglalakbay na ito. Makakaya niya kayang makipagsabayan sa iba't-ibang uri ng mga kapwa niya martial art cultivators na makakasalamuha niya along with his journey, to change his fate, to be the strongest and not be a total loser in this vast world of Cultivation.
Arkcray (Pinoy Fantasy BL) by Gonz012
Gonz012
  • WpView
    Reads 11,857
  • WpVote
    Votes 965
  • WpPart
    Parts 30
Genre: Fantasy, BL, Comedy, Romance, Drama, Action Language: Tagalog Synopsis: Payapang naninirahan ang lahat ng kaharian sa mundo ng Gaia, ngunit isang araw, si Haring Daemon, ang namumuno sa Kaharian ng Helios na siyang pinakamaunlad at may pinakamalaking lupain sa buong Gaia ay nakatanggap ng isang masamang pangitain. Si Haring Daemon ay sinabihan ng isang babaylan na may kapangyarihang makita ang hinaharap, na siya at ang kanyang kaharian ay pababagsakin ng isang nilalang na tinatawag nilang propesiya. Ang propesiya na ito ang siyang magpapabagsak sa Kaharian ng Helios at kay Haring Daemon upang pagbuklirin ang buong Gaia at mamuhay ng pantay-pantay at balanse. Ngunit, dahil sa kalupitan at kasakiman ng Haring Daemon, siya ay tutol dito at nais niyang ipapatay ang nasabing propesiya na siyang nakatakda na baguhin kung ano ang kanilang pamumuhay. Iminungkahi ng babaylan na nakakakita sa hinaharap na ang propesiya ay nagmula pa sa kaharian ng Apollo, ang kaharian ng mga manggagamot. Para kay Haring Daemon, madali niya lang masasakop ang kaharian ng Apollo dahil ang mga nilalang na naninirahan doon ay hindi marunong makipaglaban. Kaya naman walang pasubali na sinakop ni Haring Daemon ang Kaharian ng Apollo at dinakip lahat ng mga Apollan upang ikulong sa Kaharian ng Helios. Ngunit, lingid sa kaalaman ni Haring Daemon, ay may isang nilalang na nakatakas... at iyon ay walang iba kung hindi si Arkcray, ang nilalang na magpapabagsak kay Haring Daemon at sa kaharian ng Helios. Ngunit, paano gagawin ni Arkcray ang kanyang nakatadhang tungkulin kung siya ay isang Apollan na hindi marunong makipaglaban?
MAJESTIC ACADEMY: The Elemental Swords ✔️ by empress_tine
empress_tine
  • WpView
    Reads 136,014
  • WpVote
    Votes 7,238
  • WpPart
    Parts 62
Simula nang pumanaw ang kanilang lolo ay napunta sa pangangalaga ng kanilang tiyohin ang apat na magkakapatid. Ito rin ang siyang nagdala at nagpakilala sa kanila tungo sa mga hindi kapani-paniwalang mundo ng mahika. Isang mahika na tanging sa libro lamang nila nababasa. Isang mahika na matagal na palang ibinaon, itinago at ipinagkait sa kanila ng lipunan. Sa isang iglap lamang ay naging misteryoso para sa apat na magkakapatid ang mga kaganapan sa kanilang buhay at paligid, lalo na nang malaman nila ang tungkol sa isang bagay na ninakaw ng kanilang nag-iisang lolo mula sa pamahalaan. Ang tanging paraan lamang upang malaman ang mga sagot sa kanilang mga isipan ay ang pumasok sa isang paaralan, kung saan napapalibutan ng mga hindi katangi-tanging mahika at mga tao. Ating tunghayan ang pagdating ng apat na magkakapatid sa Majestic Academy, kasabay nang paghahanap nila ng kasagutan sa pagkamatay ng kanilang lolo, pagmulat sa totoong pagkatao, at pagdiskubre sa mga misteryosong bagay at mahika na kanilang ninanais na makuha. Magtatagumpay kaya sila? *** "I'll protect you no matter what. Because you are the Elemental princess. The one who owns the Elemental swords. And I am...your knight." -Amos Revy Escuzel. Welcome to MAJESTIC ACADEMY, where you can be able to enhance the ability in terms of magic. Ps: This is not your ordinary fantasy. Read at your own risk. Language:Taglish Highest ranking: #3rd place in Disco Book Award 2020 #Star Awards 2020 Winner #17 in Sword #20 knight #25 Elemental mature content (slight lang) covers are not mine. credits to @amochichi.
The Legendary Prince of Mermaid Kingdom(Completed) by Elysium_Paradise
Elysium_Paradise
  • WpView
    Reads 8,546
  • WpVote
    Votes 339
  • WpPart
    Parts 26
Sa Mundong puno ng hiwaga at majica ay may isang namumukod tanging Prinsipe sa lahat ng Prinsipe, mayroon siyang lakas ng isang Dyos at may angking kagandahan ng mukha at katawan na kung titingnan at isang Dyosa sa sobrang ganda. Lahat ng mga tao sa Mermaid Kingdom ay nais siyang makita dahil sa angking kagandahan niya pero hindi siya isang Prinsessa kundi isang Prinsipe at Prinsipe siya ng Mermaid Kingdom. Sa Mermaid Kingdom ay marami ang naiinggit sa kanya dahil lahat ng mga kalalakihan ay nagkakagusto sa kanya, kaya marami ang nagagalit sa kanya na kapwa niya Serena at sereno.
THE UNKNOWN  by clairmancy
clairmancy
  • WpView
    Reads 4,873
  • WpVote
    Votes 265
  • WpPart
    Parts 22
Isekai'ed? hindi, nadukot lang akooo, paano nako neto. paano na sila mama, papa, at sila ate. kung bakit pako gumala at sinuway sila mama, hindi na sana ako nag kakaganito. sana hindi nalang ako umalis, hindi na ako gumala, sana hindi nalang ako....
The Lost Elemental Prince  by Binibining_Majistica
Binibining_Majistica
  • WpView
    Reads 22,231
  • WpVote
    Votes 563
  • WpPart
    Parts 36
Prince Alexies ang nag iisang tagapag mana ng Elemental Empire na kung saan Biniyayaan ng Kapangyarihan Bilang isang Distruction and Creation Goddess ngunit sa kasamaang palad ay nag-kawalay ito sa kanyang magulang nung sangol pa lamang kasama ang iba pang mga kapwa nito Prisepe at Prinsesa at ang nais niya lamang ay bumalik sa kanyang pinanggalingan at maging buo at tahimik ang kanilanv mundong ginagalawan.
The Moon Goddess by Binibining_Majistica
Binibining_Majistica
  • WpView
    Reads 25,486
  • WpVote
    Votes 810
  • WpPart
    Parts 33
Sa Mundo ng mga Diyos at Diyosa na nangangalaga ng mga iba't ibang Elemento at bumabalanse ng kalawakan at tagapangalaga ng mga planeta at ibang mga dimension Phyro(Fai-ro):Bathala ng Araw pinaka nakakatakot na bathala sa lahat at pinaka malakas dahil siya ang nag bibigay enerhiya at lakas sa lahat Skyler:Bathala ng kalawakan, taga pangalaga ng kalawakan at ng mga bituin sa kalangitan (Bunsong kapatid ni Phyro) Drevo: Bathala at taga pangalaga ng Pitong Planeta at pinaka maasahan na bathala sa lahat dahil sa Hawak nito ang buong Planeta Thania: Bathala ng Mabuti't Masama,Buhay at Kamatayan taga balanse ng lahat(Asawa ni Phyro) Saturno:Bathala ng pagka wasak, kinakatakutang bathala ng mga mahihinang diyos at diyosa, Siya rin ay sakim sa kapangyarihan Levithia:Bathala ng Pagka likha at pinaka maaasahan ng mga Bathala at ng mga nilalang dahil sa kabaitan nito(Babaeng kapatid ni Saturno) Haiden:Bathala ng Buwan at pinaka batang bathala sa lahat Raveia: Bathala ng mga iba't ibang dimension hawak nito lahat ng mga lagusan sa lahat ng kalawakan isa rin siyang matalik na Kaibigan ni Thania (Bathala ng pag balanse ng mabuti at masama) -Sila ang mga Bathala na nakakataas sa lahat dahil sila ang hawak ng lahat kaya din nilang lumikha ng iba't ibang bagay at Elemento at higit sa lahat kaya nilang maglikha ng kanilang sariling Mundo na hindi kayang gawin ng mga nakababang Bathala sakanila
OPAL ACADEMY  by jaceeee7
jaceeee7
  • WpView
    Reads 194,353
  • WpVote
    Votes 11,396
  • WpPart
    Parts 66
OPAL ACADEMY: school for the crazy creature who can rule the world
Witch Hunt [COMPLETED] by AteJanz
AteJanz
  • WpView
    Reads 23,475
  • WpVote
    Votes 1,760
  • WpPart
    Parts 58
Ilang dekada na rin ang nakalipas, nagsimula ang tensyon sa pagitan ng mga mortal- o ang tawag sa mga ordinaryong nilalang na walang kapangyarihan; at ng mga deities o mas kilala sa tawag na witches- o ang tawag naman sa mga nilalang na ipinanganak na may angking galing sa paggamit ng mahika. Sa paglala ng tensyon na ito ay siyang pagsisimula ng sistema ng Witch Hunt sa bansang Derkarr na kung saan hinuhuli ang bawat witch sa bansa at pagkatapos ay ibebenta o 'di kaya ay pinapatay. Sa pagdaan ng ilang taon... ipinanganak ang isang batang witch na nagngangalang Charm, na siyang itinakda sa isang propesiya na magsasalba sa sangkatuhan at siyang puputol sa sistemang ito. Magawa niya kayang wakasan ang sistema ng witch hunt sa bansa? *** WARNING: May contain grammatical errors and typos that were missed during editing. Photo on the book cover is not mine. :)
Suddenly having a Dragon Daughter by blackmeowie
blackmeowie
  • WpView
    Reads 460,139
  • WpVote
    Votes 20,317
  • WpPart
    Parts 62
"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M