Nathyswattie
Bata pa lang si Brittle noong patayin ang mga magulang niya sa kamay ng di kilalang mga armadong kalalakihan. Pagkatapos ng kalunos-lunos na pangyayaring 'yon, ay kinupkop siya ng isa sa mga kaibigan ng kanyang ina at isinali sa Spy Organization na dating pinagta-trabahuan ng mga magulang niya.
Nangako si Brittle na hahanapin niya ang mga taong pumatay sa pamilya niya, at hindi siya titigil hangga't hindi nakakamit ang hustisya.
Paano kung sa paghahanap ay may isang taong makakasira sakanya? Sasagasa sa lahat ng kanyang plano?
Ipagpapatuloy pa ba niya ang patibong ng kapalaran para lang sa hustisyang kanyang inaasam?
Date: 05-04-2022