EstrellaSilenciosa
Si Lara Delgado ay lubos na hinahangaan sa angkin nitong ganda, ang porselanas nitong balat, ang mukha na aakalain na may lahing espanyol at ang magandang hubog ng katawan nito.
Maaga itong naulila sa ama, naiwan sa kanya ang may sakit na ina at ang nag-iisa na kapatid. Walang ibang gustong tumanggap sa trabaho dahil hindi ito nakapag-aral kaya upang kumita ng mabilisan na pera ay papasukin niya ang isang hindi kanais-nais na trabaho. Walang ibang makakapitan, nais pagalingin at mabigyan ng magandang buhay ang kapatid kahit na kapalit nito ang kanyang dignidad at puri.
Publish: 051322