xaxaixa
- Reads 864
- Votes 24
- Parts 18
Ito ang istorya ng dalawang pamilya na ipinag kasundo ang kanilang mga anak na ipapakasal pag dating nila sa tamang edad, ngunit ito ay matutuloy lamang kapag naka pag tapos na sila sa kanilang pag aaral at kapag nagustuhan na nila ang isat isa.
Si Andy ang anak na babae ng pamilya Lapus at si Zane ang anak na lalaki ng pamilya Donovan. Parehas mayayaman ang mga pamilyang ito.
Si Zane na lumaki sa Manila kasama ang kaniyang Ama ay surpresang bumisita sa Davao para ipakilala sa kaniya ang magiging fiance niya na si Andy.
Lubos na ikinagulat ito ni Andy dahil hindi ito na ikkwento sa kaniya ng kaniyang mga magulang, tuluyan na ngang napag desisyonan na doon na maninirahan si Zane sa pamilya Lapus hanggang siya ay makapag tapos ng pag aaral.
Ang mag fiance ay nag kasunduan na hindi matutuloy ang set up marriage ng kanilang mga magulang dahil kahit kailan ay hindi nila magugustuhan ang bawat isa.
Si Zane ay inlove sa kaniyang bestfriend na si Stacey ngunit naiwan ito sa Manila na nag hihintay ng sagot matapos niyang mag tapat sa kaniyang nararamdaman.
Si Andy ay may secret crush kay Kevin, ngunit hindi niya alam na may gusto rin ito sa kaniya, kaso ito ay torpe at laging wrong timing mag tapat kay Andy.
Si Zane at Andy ay parang aso't pusa sa bahay dahil hindi nag kakasundo sa maraming bagay ngunit ito ang magiging dahilan para mag kalapit sila at mas makilala ang bawat isa.
Ang kwentong ito ay para sa mga taong gustong matutong mag mahal, tumanggap at mag patawad.
Tadhana nga ba ang mag karoon ng fiance?
o ikaw ang gagawa ng daan para sa sarili mong hinaharap?
ENJOY THE STORY!
#comedy #drama #fiance #student