JuanLawrenceVislenio's Reading List
4 stories
B1 GANG MYSTERIES Case File No.8 : Wildlife Detectives by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 6,252
  • WpVote
    Votes 183
  • WpPart
    Parts 23
Gorilya sa Maynila? Ang akala ng mga alagad ng batas ay simpleng kaso lamang ng drug smuggling ang kanilang nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport. Sino ba nga naman ang maghihinala na ang mga ipinasok na unggoy na kinabibilangan ng isang gorilya ay may itinatagong lihim? Ngunit nang matunugan ng B1 Gang ang kasong ito ay biglang nag-iba ang lahat. Mitsa lamang pala ang gorilyang si Gorio ng higit na masalimuot na krimen. Isang uri ng krimen na ang biktima ay kalikasan! Isang kasong nagmula sa Africa, nabuo sa Pakistan at pumutok sa Maynila ang susuungin ngayon nina Gino, Boging, Jo at Kiko. Samahan ang barkada na iligtas ang mga kawawang hayop mula sa bodega ng tusong si Mr. Wong. Makihabol, magmanman at makipagtuos din kayo sa kalaban ni Inang Kalikasan. Sa madaling salita, maging isang... wildlife detective! Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII) C1996
B1 GANG MYSTERIES Case File No.4: Hiwaga ng Nawawalang Agila by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 7,824
  • WpVote
    Votes 275
  • WpPart
    Parts 22
Endangered na nga, pinag-interesan pa! Isang mabigat na krisis ang sumira sa summer vacation nina Jo at Kiko. May grupo ng mga salarin ang nakaisip na kidnapin ang lahat ng Monkey-Eating Eagles sa Eagle Conservation Camp sa Davao City at ipa-ransom ang mga iyon sa halagang milyones! Banta pa ng grupo: aadobohin nila ang mga rare eagles kung hindi ibibigay ang hinihingi nila! Kailangang mabawi agad ang mga agila. Pero paano? Walang nakakaalam kung sino ang dumukot sa mga agila at kung saan dinala ang mga ibon! Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII) c1997
B1 GANG Case File No. 14: Misteryo ng Gintong Barko by gikijobogs
gikijobogs
  • WpView
    Reads 3,806
  • WpVote
    Votes 33
  • WpPart
    Parts 7
Isang trahedyang paglubog ng barko. Isang misteryosong gintong simbolo. Isang alamat na matagal nang bumabalot sa karagatan! Nang matagpuan ang mga labi ng MV Doña Paz na may kakaibang marka, alam ng B1 Gang na ito ay hindi lang basta nawawalang bagay-ito ay simula ng isang hindi kapani-paniwalang pak adventure! Sila ay nalulugmok sa isang sapot ng mga misteryo na konektado sa alamat ng Gintong Barko, isang kwento ng isang multong barko na may nakatagong layunin. Sa "Misteryo ng Gintong Barko," kakailanganin nilang harapin ang mga hamon na mag-uunat ng kanilang kaalaman sa lokal na kultura at ang kanilang husay sa pagsisiyasat. Tara na, simulan na natin ang kasong ito! Ang iyong susunod na pakikipagsapalaran ay naghihintay!
B1 GANG MYSTERIES Case File No.10: Aswang sa Hatinggabi by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 14,260
  • WpVote
    Votes 253
  • WpPart
    Parts 23
Niluray ng aswang? Anim na kambing ni Lolo Hugo ang sa isang iglap ay nilapa ng aswang! Iyan ang nakakagitlang balita na natanggap ng B1 Gang mula sa lalawigan ng Zambales. Sa makabagong panahon ng computers at cyberspace, tila nakapagtataka na patuloy pa rin ang mga balita tungkol sa aswang. Totoo nga bang may aswang? Kung hindi nama'y anong uri ng nilalang ang lumuray sa mga kambing at kainin pati ang laman-loob ng mga iyon? At paano mapapatunayan nina Gino, Jo, Kiko at Boging na kathang-isip lamang ang mga aswang gayong sila man ay nakasaksi sa mahiwagang pangyayari? E, ikaw? Naniniwala ka ba sa aswang? Isinulat ni JOEY E. ALCARAZ C1996