ericbanes's Reading List
4 stories
B1 Gang: Episode 1 - Book 1 by lucienskye
lucienskye
  • WpView
    Reads 1,797
  • WpVote
    Votes 19
  • WpPart
    Parts 1
Paunawa: Ang katha pong ito ay hindi ko pagaari kinopya ko lamang ito sa orihinal na libro.Paumanhin po sa may-akda nais ko lamang po na maibahagi sa ibang mambabasa ito upang mabigyan sila ng kasiyahan at kapulutan ng magandang aral higit sa mga kabataan ngayon.Maraming Salamat sa pangunawa at pagbibigay ng oras upang ito ay basahin. Eto na ang kuwento nina Boging,Kiko at ang magkapatid na Gino at Jo bago sila nagkakilala.Dito nila isinalaysay ang kanilang karanasan na nagbigay daan upang matuklasan nila ang hilig sa pag-iimbestiga.Samahan nyo sina Gino at Jo na lutasin ang makapanindig balahibong kaso ng mga dalagitang dinukot ng engkantong itim sa Cavite.Tulungan ninyo si Boging na hanapin ang utak ng Tikbalang Virus na nagbabantang ipahiya siya.At huwag na huwag nyong iwanan si Kiko sa kanyang pakikipaglaban sa Invinsible force na pumapatay sa Enchanted lake sa Laguna.
B1 GANG MYSTERIES Case File No.8 : Wildlife Detectives by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 6,286
  • WpVote
    Votes 203
  • WpPart
    Parts 23
Gorilya sa Maynila? Ang akala ng mga alagad ng batas ay simpleng kaso lamang ng drug smuggling ang kanilang nadiskubre sa Ninoy Aquino International Airport. Sino ba nga naman ang maghihinala na ang mga ipinasok na unggoy na kinabibilangan ng isang gorilya ay may itinatagong lihim? Ngunit nang matunugan ng B1 Gang ang kasong ito ay biglang nag-iba ang lahat. Mitsa lamang pala ang gorilyang si Gorio ng higit na masalimuot na krimen. Isang uri ng krimen na ang biktima ay kalikasan! Isang kasong nagmula sa Africa, nabuo sa Pakistan at pumutok sa Maynila ang susuungin ngayon nina Gino, Boging, Jo at Kiko. Samahan ang barkada na iligtas ang mga kawawang hayop mula sa bodega ng tusong si Mr. Wong. Makihabol, magmanman at makipagtuos din kayo sa kalaban ni Inang Kalikasan. Sa madaling salita, maging isang... wildlife detective! Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII) C1996
B1 GANG MYSTERIES Case File No.4: Hiwaga ng Nawawalang Agila by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 7,824
  • WpVote
    Votes 275
  • WpPart
    Parts 22
Endangered na nga, pinag-interesan pa! Isang mabigat na krisis ang sumira sa summer vacation nina Jo at Kiko. May grupo ng mga salarin ang nakaisip na kidnapin ang lahat ng Monkey-Eating Eagles sa Eagle Conservation Camp sa Davao City at ipa-ransom ang mga iyon sa halagang milyones! Banta pa ng grupo: aadobohin nila ang mga rare eagles kung hindi ibibigay ang hinihingi nila! Kailangang mabawi agad ang mga agila. Pero paano? Walang nakakaalam kung sino ang dumukot sa mga agila at kung saan dinala ang mga ibon! Isinulat ni Armin T. Santiaguel II (ATSII) c1997
B1 GANG Case File No. 14: Misteryo ng Gintong Barko by gikijobogs
gikijobogs
  • WpView
    Reads 3,811
  • WpVote
    Votes 33
  • WpPart
    Parts 7
Isang trahedyang paglubog ng barko. Isang misteryosong gintong simbolo. Isang alamat na matagal nang bumabalot sa karagatan! Nang matagpuan ang mga labi ng MV Doña Paz na may kakaibang marka, alam ng B1 Gang na ito ay hindi lang basta nawawalang bagay-ito ay simula ng isang hindi kapani-paniwalang pak adventure! Sila ay nalulugmok sa isang sapot ng mga misteryo na konektado sa alamat ng Gintong Barko, isang kwento ng isang multong barko na may nakatagong layunin. Sa "Misteryo ng Gintong Barko," kakailanganin nilang harapin ang mga hamon na mag-uunat ng kanilang kaalaman sa lokal na kultura at ang kanilang husay sa pagsisiyasat. Tara na, simulan na natin ang kasong ito! Ang iyong susunod na pakikipagsapalaran ay naghihintay!