FranzineFate's Reading List
158 stories
Braveheart 15 Oliver Sembrano (Shadow Of The Past) COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 67,378
  • WpVote
    Votes 1,651
  • WpPart
    Parts 10
Phr Book Imprint Published In 2007 "Galit ako sa pagkakataon dahil pinagtagpo uli tayo kung kailan may mahal na akong iba at hindi mo na gusto na magmahal pa ng iba." "May hihilingin sana akong favor sa iyo," sabi kay Oliver ng girlfriend niya. "Maging sperm donor ka ng friend ko." Natural na hindi siya papayag. Pero ginamitan siya nito ng emotional blackmail. Kaya napalitan din siyang pumayag. Laking gulat ni Oliver nang makilala ang kaibigan na sinasabi ng girlfriend niya. Si Mavi pala iyon. Ang close friend niya noon na naging secret love niya sa loob ng matagal na panahon. Si Mavi ang babaeng hibang na hibang noon sa kanyang best buddy kaya nawalan siya ng lakas ng loob na pagtapatan ng lihim niyang pag-ibig. Fate was testing him, really. Dahil bakit ngayon pa kung kailan naka-recover na siya rito?
The Other Side Of Love COMPLETED by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 193,978
  • WpVote
    Votes 3,791
  • WpPart
    Parts 21
Phr Imprint 5289 Published in 2015
Black Magic Woman by Rose Tan by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 703,142
  • WpVote
    Votes 11,674
  • WpPart
    Parts 44
"And if I'm under your spell, I wish to stay bewitched forever..." Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?
Aseron Weddings-Anywhere For You by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 112,612
  • WpVote
    Votes 1,156
  • WpPart
    Parts 5
Batid ni Menchie na malayo siya sa tipo ng babaeng magugustuhan ng amo niyang si Simoun Aseron. But that did not stop her from secretly wishing for him to notice her. Hindi niya alam kung anong maswerteng bituin ang nagbigay katuparan sa hiling niya. Pero nang kausapin siya ni Sir Simoun para magpanggap na fiancee nito upang mapigilan ang pangungulit ng lolo nito na ipareha itong muli sa ex nito, naisip niyang pagkakataon na niya iyon upang maipakita dito na hindi naman siya ganoon nalalayo sa babaeng pwede nitong mahalin. Ngunit paano kung matuklasan niyang tulak ng bibig kabig ng dibdib lang pala ang sinasabi nitong hindi na nito mahal ang dating nobya? Paano na ang puso niyang umasang naturuan na niya itong mahalin din siya?
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 337,627
  • WpVote
    Votes 7,569
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
DARK CHOCOLATE SERIES BOOK 2: Sugary Lies, Hearts on Fire by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 135,927
  • WpVote
    Votes 3,060
  • WpPart
    Parts 12
Namasukan si Lulu bilang maid sa lalaking bagong uwi mula Amerika, si Joselito. Masyadong tahimik ang lalaki at sa araw-araw ay ilang salita lang ang naging palitan nila. Pero sa paglipas ng mga araw ay naging mainit ang bawat pagsulyap nito sa kanya. Binuhay nito ang sidhing hindi niya alam na taglay niya at naghihintay lang na mapukaw. Higit sa mga salita ay mas nag-usap ang kanilang mga mata, ang bawat paggalaw... Hanggang sa hindi na nila naiwasan ang tukso. Nagtiwala siya sa dikta ng damdamin. Pero nagkamali siya. Hanggang pisikal lang pala ang relasyong gusto ng lalaki. Siguro nga, mali ang makinig sa dikta ng puso... Baka ang maging kapalit noon ay mismong buhay niya...
DARK CHOCOLATE SERIES 1 - Sweet Deceptions, Love in Disguise by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 150,726
  • WpVote
    Votes 3,915
  • WpPart
    Parts 13
Jaye had always thought no man was good enough for her. But she had always dreamed of proving herself wrong one day. Matapang siya, mahusay sa trabaho, ilag sa kanya ang mga tao. But behind the tough exterior, she was a woman who wanted to find a kindred, an equal. And yes, quite frankly, she also dreamed of falling head over heels in love with a man worthy of it. Along came Max . It was hate at first sight. He was the new CEO of the company. And it seemed he was out to get her...
Sana Bukas Tayo Pa Rin by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 97,348
  • WpVote
    Votes 2,188
  • WpPart
    Parts 14
Phr Imprint 1419 Published In 2002 "I have branded you as mine even then... even when we were still kids. Wala akong ibang babaeng minahal bukod sa iyo." Kumabog ang dibdb ni Evangeline nang makita ang dalawang bata sa larawan. Picture nila iyon ni Gideon. Walong taong gulang siya noon at hinding-hindi niya malilimutan ang ginawa ni Gideon matapos silang kuhanan ng litrato... Inilapit nang husto ni Gideon ang mukha sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. "'Yan," masayang sabi nito, "magbata na tayo mula ngayon." Hindi malaman ni Evangeline kung maiiyak o magagalit sa ginawa ni Gideon. Sininghalan niya ito. "Anong magbata? Mga bata pa tayo, eh, gusto mo na makigaya sa matatanda?" Nagbuntong-hininga si Evangeline sa alaalang iyon ng kanilang pagkabata. Minahal na nila ni Gideon ang isa't isa mula pa noon. Kung hindi lang sa pagkakamali na nagawa niya, marahil nasa kanya pa rin ang pagmamahal nito hanggang ngayon.
   First Kiss by Severino918
Severino918
  • WpView
    Reads 87,083
  • WpVote
    Votes 1,703
  • WpPart
    Parts 25
Gusto ko, Akin ka lang, habang buhay.
Huwag Mong Husgahan Ang Puso by Severino918
Severino918
  • WpView
    Reads 67,760
  • WpVote
    Votes 1,261
  • WpPart
    Parts 12
"Kiss Mark lang ba ang kayang ibigay sa iyo ni Arnold?"