watchingoverme
Si TYLER. Ang estrangherong lalaking kukupkupin ng mag-asawang BILLY at SHIRLEY na parehong kagigiliwan ng dalawa nilang anak na babae.
Sa pagdating ng lalaki sa De Espeleta Compound, paano magbabago ang buhay ng bawat miyembro ng pamilya?
Magiging matiwasay ba ang kanyang buhay kapag pinakasalan ang isa sa magkapatid na HANNAH at MADISON?
Ano ang magiging opinyon sa kanya ng kapatid na lalaki ng magkapatid na si ERIC?
Magkakaroon ba ng amor sa kanya ang lola ng pamilya na si JANET?
Makukuha ba niya ang loob ng mag-asawang JENNIFER at THOMAS kung hindi magaan ang loob sa kanya ng pinsan ng magkapatid na si KEITH?
At mukhang makikigulo pa sa kwento ang kanyang future hipag na si SHARON?
Sa lugar na binubuo ng samu't saring pader, makikilala nga ba ang tunay na pagkatao ng bawat isa?
Sinu-sino ang mga may itinatagong lihim?
At sinu-sino ang mga magiging biktima ng kataksilan?
Ang katauhang ipinapakita nga ba sa madla ang katotohanan o ang mga kaluskos sa likod ng mga dingding ang simbolo ng tunay na pagkataong pilit na itinatago?
Anu-anong mga sikreto ang nakatago sa bawat sulok ng compound ng pamilyang uusigin ang mga konsensya dahil sa mga kasalanang pilit na pinagtatakpan?
Paano wawakasan ni Tyler ang patong-patong na mga kasinungalingan?
Sa huli, malilinis ba ang bawat duming nakakabit sa bawat bahagi ng bahay o mas madadagdagan pa ang dugong ikinalat ng kahapon?
----------
This work contains themes of cheating and violent death that may be considered profane, vulgar, or offensive to some readers and/or inappropriate for children. Reader discretion is advised.
The thoughts, actions, and/or beliefs of characters in this story do not portray the thoughts, actions, and/or beliefs of the author.
This story is all fiction and in accordance with the wide imagination of the author. The names of the characters, places, and each scene, if there is any resemblance to the real events, are unintentional.