Zildjian
9 stories
The Right Time by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 48,818
  • WpVote
    Votes 1,108
  • WpPart
    Parts 18
Si Arl Christopher Earl Alberto o mas kilala sa palayaw na Ace ay ang tipo ng tao na tinatawag ng ilan na reserve. Subalit, sa `di inaasahang pagkakataon ay may makikilala siyang isang transferee na nagngangalang Rome. Binago nito ang kanyang buhay high school. Muling ibinalik nito sa kanya ang magtiwala na ilang taon rin niyang nakalimutang maibigay sa mga taong nakapalibot sa kanya hanggang ang kanyang paghanga rito ay mauwi sa isang damdamin na kanyang sobrang kinakatakutan. Papaano gagawin ng taong itong maitama ang lahat sa kanya? At papaano nito maiintindihan na ang pagmamahal ay hindi kailangang minamadali?
The Devil Beside Me by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 29,571
  • WpVote
    Votes 1,010
  • WpPart
    Parts 26
Sa limang magkakaibigan si Jay Iglesias ang nabansagang walang sense of commitment and responsibility sapagkat walang trabaho at relasyon ang nagtatagal sa kanya. Madali raw siyang magsawa at mawalan ng gana sa ano mang bagay na kanyang pinapasukan. Sumuko na ang kanyang mga magulang na mapilit siyang panghawakan ang kanilang negosyo ngunit hindi ang kanyang mga kaibigan. Matatag ang desposisyon ng mga ito na mapatino siya at maging isang responsableng tao lalo na ang kanyang kababatang si Maki. Mga bata pa lamang sila ay madali na siyang napapasunod ni Maki sa mga gusto nito sa pamamagitan ng mga pamba-blackmail at kung anu-ano pang taktika para lamang hindi siya maka-alma. Ayos lamang sa kanya ang ginagawang pagmamanipula sa nito sa kanya. Nagi-enjoy din naman kasi siya sa nakukuha niyang atensyon dito at kapag napapasakit niya ng husto ang ulo nito. Isama mo pang kapag tinutukso sila nito ng mga kaibigan nila ay naasar itong lalo. Ngunit sumobra ang pagiging pakialamero nito nang pati ang kanyang pakikipagrelasyon ay pinakialaman nito. Nagdulot iyon ng gulo sa pagitan nilang dalawa. Ano ang mangyayari sa pagkaka-ibigang pinatatag ng panahon? Mauuwi ba ito sa tuluyang pagwawakas o  isang mas malalim na damdamin ang mapupukaw?
Complicated Cupid by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 46,033
  • WpVote
    Votes 1,072
  • WpPart
    Parts 11
Si Nicollo Alegre o mas kilala bilang Nico ay likas ang pagiging arogante sa lahat ng bagay maliban sa pusang minsan lang naligaw sa bahay nila - Si Kerochan. Ngunit bukod sa kanya ay may gusto pang umari sa galang pusang iyon at `yon naman ay walang iba kung hindi ang taong nakatira sa katapat ng bahay nila na isa rin sa apat niyang kaibigan - si Lantis Santiago. Lantis started to get into his nerves. Nagsisimula na siyang mapikon dito dahil sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos ay wala na itong ibang ginawa kung hindi ang makipagtalo sa kanya, Kung noon ay nakakaya nilang ignorahin ang existance ng bawat isa, biglang nagbago iyon sa pag sulpot ng pusang siyang naging dahilan ng lalo nilang pagbabangayan. Ang paratangan ang isa't isa ng kung anu-ano ang siyang naging normal na gawain para sa kanilang dalawa. He begun to hate Lantis existence to the point na willing na siyang lumayo rito. Subalit, isang pangyayaring naganap na naging dahilan para lalo silang pagdikitin nito. Makakaya pa kaya niyang umiwas?
Bittersweet by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 37,523
  • WpVote
    Votes 1,211
  • WpPart
    Parts 22
Heto ang kasunod ng Complicated Cupid sa pangalawang series ko. Medyo nahuli ang posting ko nito dahil sa sobrang dami ng ginagawa ko. Hopefully, magustohan niyo rin ito guys. Ito ang k'wento ni Andy at ni Nhad. :)
9 Mornings Book2: Brian Ramirez by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 47,662
  • WpVote
    Votes 1,250
  • WpPart
    Parts 30
Isang masayahin at mabait na kaibigan. Iyan si Boromeo Ramirez o mas kilala bilang Brian. Dahil nangibang bansa ang mga magulang ay ang mga kaibigan mula pa noong koleheyo ang itinuring niyang pamilya. Sa mga ito lamang niya naramdaman na hindi siya nag-iisa –na may karamay siya sa buhay. Akala niya ay wala na siyang hahanapin pa, subalit hindi pala permanente ang lahat. Nang magkapamilya ang ilan sa mga kaibigan niya at magkaroon ng mga sariling buhay ang mga ito ay nakaramdam siya ng matinding pag-iisa. He felt that he’s left alone once more. Kaya naman napagdesisyunan niyang humanap ng kaagapay sa buhay at bumuo ng isang pamilya para hindi na siya mag-isa. Ngunit hindi sang-ayon ang mga kaibigan at magulang niya sa kanyang padalos-dalos na desisyon. Para sa mga ito, ay kahibangan ang kanyang binabalak. Pero dahil desidido na siyang hindi mapag-iwanan ay hindi niya pinakinggan ang mga ito. Subalit, kung kailan malapit na ang kanyang kasal, ay saka naman sa kanya isasampal ang katotohanan na mali ang pinili niyang tao. Na tama ang kanyang mga kaibigan at magulang. Kinaliwa siya ng babaeng pakakasalan niya at ang malala pa roon ay ang kinasusuklaman pa niyang pinsan ang kalaguyo nito. Paano ba magalit ang isang Brian Ramirez? At papaano niya mabibigyan ng katuparan ang paghihiganti niya kung ang taong kanyang paghihigantihan, ay kayang patibukin ang kanyang puso sa isang ritmo na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman.
After All by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 54,620
  • WpVote
    Votes 1,294
  • WpPart
    Parts 24
Si Red Sanoria. Tinaguriang Campus heartthrob at hindi rin matatawaran ang galing nito pagdating sa basketball na dahilan para lalo pa itong sumikat. Inakala ng lahat na wala itong ni katiting na problema sa buhay na isa siyang happy go lucky na tao. Subalit, lingid sa kaalaman ng lahat, sa likod ng kanyang mga tawa at ngiti ay ang nagkukubling lungkot. Nang mabigo siya sa kanyang kaibigan na si Ace ay lalong gumuho ang mundo ni Red. Subalit, sa pagguho ng kanyang mundo ay siya namang pagdating ng taong muling itatayo ito at sa matibay na pundasyon pa. Ngunit papaano kung dumating ang oras na malalaman niyang ang taong siyang pinaglaanan niya ng lahat, ay may iba rin pa lang laman ang puso? Isusuko niya ba ito tulad ng ginawa niya dati o ipaglalaban ito?
Chances by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 115,115
  • WpVote
    Votes 3,005
  • WpPart
    Parts 21
He was dubbed as the most notorious playboy sa barkadahan nila. Maangas, matalino, at oozing with sex appeal: ilan lamang iyan sa mga katangian ni Renzell Dave Nievera. Ang kambal ng pinakabatang abogado na si Dorwin. Ang tingin sa kanya ng mga kaibigan ay isang panggulo, Walang sino man sa mga ito ang kayang matagalan ang kanyang mga pang-aasar. Para sa kanya, bilang lamang ang mga taong dapat niyang pagkatiwalaan at pag-aksayahan ng oras. His father and brother are the only person he value the most. Ngunit ano ang mangyayari kung ang isang siga, astigin at walang kinakatakutang tao ay makatagpo ng kabaliktaran niya? Gulo ba ang kahihinatnan o isang matamis na pag-iibigan ang kanyang matatagpuan?
Make Believe by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 67,144
  • WpVote
    Votes 1,860
  • WpPart
    Parts 28
Paano kung ang best friend mo ang taong mahal mo? Ken is madly in love with his best friend. To the point na willing siyang gawin ang lahat ng bagay para dito. Pero dala ng takot ay hindi niya iyon magawang masabi sa kaibigan. Sinubukan niyang kalimutan ang nararamdaman para rito. Ngunit papaano kung isang araw may isang bagay itong hilingin sa kanya -ang magpanggap na kasintahan nito para matakasan ang isang problemang ang mga magulang nito ang may gawa? Kaya ba niyang pangatawanan ang pagpapanggap na iyon lalo pa’t alam niya sa sarili niya na may nararamdaman talaga siya para dito? Paano mauuwi sa pagmamahalan ang isang relasyon na nagsimula sa pagpapanggap? At paano kung dahil sa pagpapapanggap nila ay lalo pa siyang mahulog dito kahit alam naman niya ang mapait na katotohanang hindi siya pwedeng mahalin nito? Abangan ang nalalapit na pakikibaka ni Ken sa isang taong tanging pinangarap niya simula nang makilala niya ito. Would there be a chance na makakayang maibalik ng taong minamahal niya ang kanyang nararamdaman?
9 Mornings by Zildjian11
Zildjian11
  • WpView
    Reads 118,710
  • WpVote
    Votes 2,666
  • WpPart
    Parts 22
Si Laurence Cervantes o maskilala bilang Lance ay may isang nakaraan na siyang sumira sa kanyang masayang buhay at relasyon. Anim na taon ang lumipas ngunit hindi iyon nakatulong para makalimutan niya ang masalimuot na sinapit. Sinubukan niyang magbago at kalimutan na lamang ang lahat subalit sa di malamang dahilan, isa-isang nagsibalikan ang lahat ng mga ala-ala niya kasabay ng muling pagbabalik din ng mga taong naging parte noon ng kanyang buhay.