heyamora__
- Reads 1,597
- Votes 145
- Parts 44
Maglaro tayo. Isa, dalawa tatlo, magtatago ako mula sa mga bagay na sa palagay ko'y sumasakal sa aking pagkatao. Apat, lima, anim, nagmamakaawa ako huwag na ninyo akong hanapin. Pito, walo, siyam, Hanggang kailan ako mananatili sa ganitong kalagayan at pagsapit ng sampu, matitigil nga ba itong aking pagtatago?
Ako si Kalista Amara, Mas kilala sa pangalang Kanata Zephyra o Moonveil. Nagtatago mula sa mga taong dati ay itinuring kong pamilya't tahanan. Ang babaeng labing walong taon nagpaka-sakal sa mga bagay na hindi naman niya tunay na nais gawin. Minsang lumabas sa sariling lungga, ngunit nais pa rin nilang ibalik sa pagkatanikala. Itutuloy ko pa ba ang aking pagtatago o isiswalat ko na ang aking tunay na pagkatao.