Valeria Duology
2 stories
When I Enter His World by mizzy_kim
mizzy_kim
  • WpView
    Reads 81,956
  • WpVote
    Votes 3,928
  • WpPart
    Parts 83
Si Elmia Marie Vasquez ay napagbintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa, dahil doon ay napalayas siya ng kanyang tiyahin. Nakitira siya sa isang may katandaang babae na kinakatakutan sa lugar nila. Ginawa niya ang lahat mapapayag lamang ito, pero sa pagtagal niya sa bahay na iyon ay may kakaiba na siyang nararamdaman. Sabi ng ibang tao ay may kakaiba talaga sa bahay na iyon tuwing gabi. Dahil doon at sa pagiging kuryoso ay pinasok niya ang pangatlong kwarto na hindi niya pa napapasok simula ng makitira siya doon. Pagpatak ng hatinggabi ay nagulat siya sa nakita niya. Paggising nalang niya ay nasa ibang lugar na siya..nasa ibang mundo na siya. Hindi siya pamilyar kung saang lugar ito o kung anong meron sa lugar na 'yon. Basta ang alam niya, nakikita niya lang ang mga ito sa mga fairytale.. Pero... mala fairytale din ba ang mararanasan niya sa lugar na ito? Gayong sa unang araw niya palang doon ay nakilala na niya si Rafael. Ang masungit, gwapo at pinakasikat na tao sa Valeria ganoon din sa mga karatig bayan pa nito. Lahat ng tao ay ginagalang at sinusunod siya, at lahat ng iyan ay kabaligtaran sa mga ginawa sa kaniya ni Mia sa una nilang pagkikita. Dahil doon ay nagkaroon siya ng interes na gumanti sa lahat ng kalapastanganang ginawa sa kaniya ng babae. Ito na ba ang simula ng paghihirap ni Mia sa mundo ni Rafael o ito na ang simula ng pagkahulog nito sa kaniya? __________ HIGHEST RANK ACHIEVED: #1 Fantasy #1 Mundo #1 Portal #1 TwoWorlds #1 Rafael Status: COMPLETED Written by: Mizzy Kim Genre: Fantasy/Romance Date Started: March 12, 2020 Date Ended: January 26, 2022
When I Dream of His World by mizzy_kim
mizzy_kim
  • WpView
    Reads 14,974
  • WpVote
    Votes 694
  • WpPart
    Parts 32
Halos araw araw gumigising si Elmia Marie Vasquez ng mabigat ang damdamin. Dahil ito sa kaniyang mga panaginip. Panaginip na gumugulo palagi sa kaniyang isipan. Mga eksena sa tila kakaibang lugar, mga nangyari na hindi niya malaman kung totoo bang naganap, at isang lalaki na nagpakabog ng malakas ng puso niya. Lahat iyon ay nasa mga panaginip niya. Pero pinipilit na lang niya 'yong kalimutan at magfocus sa realidad ng kaniyang mundo. Dahil sa hirap ng buhay at sa kagustuhang maituloy ang pag aaral sa kolehiyo ay naghanap siya ng trabaho upang mapag aral ang sarili. Namasukan siyang katulong sa isang mayaman at kilalang pamilya sa kanilang lugar. Ngunit mas lalo lang nagulo ang utak ni Mia ng isang araw ay makita niya mismo sa harap niya ang lalaking napapanaginipan niya, na nakatira pa mismo sa bahay kung saan siya magtatrabaho. Pero.. anong ibig sabihin nito? Bakit niya napapanaginipan ang lalaking 'yon? May koneksyon ba silang dalawa? Bakit tila ramdam niya ang parehong pagtibok ng puso niya sa lalaking nasa panaginip niya at sa lalaking magiging amo niya? [This is the Book 2 of When I Enter His World] ________ Status: COMPLETED Written by: Mizzy Kim Genre: Fantasy/Romance Date Started: February 21, 2022 Date Ended: August 17, 2022