NotNastyAnna
- Reads 35,021
- Votes 1,493
- Parts 59
Si Beatrice "Bea" Esquivel yung tipong Maria Clara sa modernong panahon. Sobrang prim and proper, conservative manamit, at seryoso sa pananampalataya. Photographer siya, at ang studio niya ang nagsisilbing safe space niya, tahimik, maayos, at punong-puno ng sining.
Pero isang umaga, biglang nabulahaw ang tahimik na buhay ni Bea. Ang susunod niyang big project? Walang iba kundi ang sikat na model at content creator na si Natalia Romanov.
Si Natalia ang definition ng main character energy. Siya yung Queen Bee na kahit saan magpunta, sa kanya ang atensyon. Kilala siyang Man-eater at Playgirl dahil sa dami ng mga puso na pinaasa at iniwan niya. Fashionable, chic, at may cold aura.
Nang pumasok si Natalia sa studio ni Bea, ramdam agad ang tensyon. Magkaibang-magkaiba ang mundo nila:
Si Bea: Gusto lang mag-focus sa work at panatilihin ang kanyang "old-fashioned" values.
Si Natalia: Nakita niyang challenge si Bea. Gusto niyang asarin at akitin ang innocent na photographer para lang makitang mawala ito sa poise.
Sa pagitan ng dasal at tukso, sino nga ba ang unang bibigay? Magawa kayang baguhin ng isang Saint ang buhay ng isang Siren, o mabibihag kaya ni Natalia Romanov ang puso ng isang Beatrice Esquivel?