prildawn's Reading List
23 stories
Ang Sinisinta Ni Elai (PHR 2013 - Unedited) (COMPLETED) by xoKALELxo
xoKALELxo
  • WpView
    Reads 81,882
  • WpVote
    Votes 1,670
  • WpPart
    Parts 11
Sa unang paglapat pa lang ng mga mata ni Elai kay Russell noong thirteenth birthday niya ay nagka-crush na siya rito. At a young age, she thought he was the man she had been waiting for. Kaya naman inalagaan niyang mabuti ang nararamdaman niya para dito. And after so many years of loving him silently, sa wakas ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na sabihin dito ang nararamdaman niya. Ngunit nang marinig iyon ni Russell ay inakala lang nitong nagbibiro siya. Kaya ginawa niya ang lahat mapansin lang siya nito bilang babaeng nagmamahal dito at hindi bilang younger sister ng Kuya Excel niya na best friend nito. Kahit malayong mangyaring mahalin din siya nito...
Devlin, Just One Kiss (Assassins 1) by tyraphr
tyraphr
  • WpView
    Reads 165,439
  • WpVote
    Votes 4,142
  • WpPart
    Parts 14
Labag sa loob na bumalik si Sunny ng bansa dahil na rin sa utos ng Lolo niya. She has been away for two years at kung siya lang ang masusunod ay mas nanaisin pa niyang hindi na lang bumalik. But her Lolo blackmailed her, sinabi nito na hindi niya makukuha ang pera sa trust fund niya kapag hindi siya agad bumalik ng Pilipinas. Kailangan pa naman niya ang pera na 'yon para sa matagal na niyang pinaplano na pagtatayo ng sarili niyang business. Kaya naman sa bandang huli ay wala na rin siyang nagawa kundi umuwi. And imagine her surprise nang sa pagbabalik niya ay bigla na lang ibinigay ng Lolo niya sa kanya ang pamamahala ng football club na itinayo nito. Telling her na kung hindi niya pamamahalaan 'yon ay hindi na niya makukuha ang pera sa trust fund niya. What choice does she have? So she reluctantly agreed kahit pa nga wala naman siyang kaalam-alam sa naturang laro. Okay na sana ang lahat. That was until she met the the club's coach, Devlin Mendoza. Ito na yata ang pinakanakakainis na lalaking nakilala niya. Una pa lang nilang pagkikita ay tahasan na agad nitong ipinakita ang pagkadisgusto sa kanya. He immediately labeled her as a dumb blond na ang kaya lang gawin ay gumasta ng pera. Dapat ay magalit siya dito, pero habang tumatagal at mas nakikilala niya ito, natagpuan na lamang niya ang sarili na lagi itong sinusundan-sundan ng tingin. Although he's the most annoying and most insufferable man she had met, she still found herself unexplicably falling for him. Pero hindi pa man niya nasasabi ang nararamdaman dito ay saka naman biglang nanganib ang buhay niya.
LIE TO ME (under Evaluation) by IamKaru
IamKaru
  • WpView
    Reads 4,891
  • WpVote
    Votes 77
  • WpPart
    Parts 14
Bago pa man minahal ni Rika ang pagpipinta ay minsan na siyang nagmahal ng iba--si Dylan. Ngunit sa kasamaang-palad ay may minamahal na itong iba---ang kakambal niyang si Riza. Kaya naman minabuti niyang iwaksi ang nararamdaman niya para sa bnata at ibaling sa sining ang atensyon ng puso niya. Nananahimik na sana siya sa kanyang lungga nang bigla siyang hingan ng pabor ni Riza---magpanggap daw siya bilang girlfriend ni Dylan! Riza never takes a 'No' for an answer. Kaya 'napilitan' siyang pumayag. Everything is just a pretense. Iyon ang palagi niyang paalala sa sarili niya .Ngunit hanggang kelan magiging epektibo ang mantra niya na iyon kung sa bawat pagtingin sa kanya ni Dylan ay nagso-short circuit na ang isip niya? At bawat pagdaan ng mga araw, para bang ang kasinungalingan na binuo niya ay unti-unting nagiging katotohanan na?
The Tanangco Boys Series 7: Jared Bandonillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 127,614
  • WpVote
    Votes 2,443
  • WpPart
    Parts 10
Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop. Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice. Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito. Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 78,514
  • WpVote
    Votes 1,443
  • WpPart
    Parts 10
"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din siyang magsuot ng isang puting trahe de boda at ikasal sa lalaking pinakamamahal niya. Ngunit mananatili lang na isang pangarap iyon kung ang tinatangi ng puso niya ay tila hindi na niya maabot. Sa pagbalik ni Kevin sa Pilipinas. Nagkaroon sila ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pagmamahalan nila. Ngunit ang sayang naramdaman niya ay panandalian lang pala. Nang isang araw ay tumambad sa kanya ang isang masaklap na balita, ikakasal na si Kevin. Handa na siyang tanggapin na kailan man ay hindi na mapapasakanya ito. Ngunit hiniling ni Susane na siya ang mag-ayos ng kasal nito at Kevin. Kahit magmu-mukhang suicide ang gagawin niya. Pikit-matang pumayag siya. Sa bawat na nakikita niya ang dalawa na magkasama, labis na sakit ang dulot niyon. Hanggang kailan ba niya kayang tiisin ang lahat? Na ang iniibig niya ay nakalaan sa iba. Siguro, mas makakabuti kung lumisan at magsimula ng panibagong buhay ng wala si Kevin sa buhay niya.
 Harry Thomas Darangeon - Stallion Riding Club Fanmade by MsPen_writes
MsPen_writes
  • WpView
    Reads 1,581
  • WpVote
    Votes 19
  • WpPart
    Parts 14
"I'll always choose you kahit hindi man ako ang piliin mo at itaboy mo pa ko" Kaaway ang naging turingan nina Dove at Harry sa isat isa nang malaman nila ang plano ng kanilang mga magulang na ipakasal sila. Simula noon ay nakasanayan na nilang patutsdahan ng mga mapangasar na salita ang bawat isa ngunit ito rin ang naging dahilan para maging magkaibigan sila at dahil sa pangyayayring mas nakapaglapit sa kanila ay buong pusong niyang binigay ni Dove ang pagma mahal kay Harry kahit Patago lang. Naging mabait naman ito sa kaniya at di naiwasan ng puso niya na umasa na mamahalin rin siya nito. Masaya na sana ang kasal nila kung hindi lang ito nagbigay ng walong buwan na deadline sa pagiging magasawa nila. Hindi niya tuloy alam kung mamahalin pa ba niya ito o tatakbuhan na lang dahil alam niyang mawawasak din iyon pagkatapos ng palugit nito. _______---------__________ This story is inspired by Stallion Riding Club series by Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia of Precious Heart Romances. High School pa lang nabasa ko na nag iba sa mga naisulat nila at it was really great at dito rin sa wattpad, kaya naman natuwa akong gumawa na inspired din doon. All of mentione SRC members and partners are from their stories na alam ko, but the main couple are not. Hope you'll enjoy this. Thank you! Ps. Who loves descendants? Taas kamay, nakakakilig ang true to life couple na si Dove Cameron and Thomas Doherty kaya sila rin ang pinagbasehan ko nang character St least may maiimagine tayo. Hehehehe ✌️😊🤗. This is domestic and clitch. Payteng 💪🙆 Isa pang PS... Di ko alam na may Aragon na pala kaya need kong palitan, naghanap pa ko nang Scottish last names, pero need kong ibahin para lumapit sa Aragon hehehe ✌️ Phot credits to owners Photos not mine
Territorio de los Hombres Series 4 Batch 1: Urbino Caleon  (Published by PHR) by Vanessa_Manunulat
Vanessa_Manunulat
  • WpView
    Reads 256,858
  • WpVote
    Votes 5,893
  • WpPart
    Parts 23
"I wanna marry her and put her up on a pedestal if only she'd let me." Maraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pagkakaroon niya ng anak na walang nagisnang ama. Hindi siya naghahanap ng katuwang sa buhay. Kontento na siya sa pagmamahal ng kanyang anak. Ngunit sa isang di-inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya si Urbino-ang dating nobyo ng kanyang kapatid at matagal na niyang lihim na minamahal. Para itong hulog ng langit na naging sagot sa kanyang mga dasal. Napakalaki ng puso nito para tanggapin ang lahat-lahat sa kanya, pati na ang ginawang pag-iwan kay Urbino ng kapatid niya sa araw ng kasal ng mga ito. Ipinakita ng lalaki ang labis na pagmamahal kay Kristina at inalok pa siya ng kasal. Dahil doon ay nagsimula siyang humabi ng mga pangarap-pangarap na agad ding gumuho nang sa araw ng kanilang kasal ay hindi dumating ang lalaki...
For One Single Kiss COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 611,616
  • WpVote
    Votes 9,364
  • WpPart
    Parts 20
For One Single Kiss By Vanessa Brat-iyan ang tingin kay Penelope ni Franco, pero wala siyang pakialam doon. Basta siya, gagawin niya ang lahat ng ikasisiya niya-at mas mag-e-enjoy siya kung makukunsumi si Franco. Mabuti nga iyon dito. Kung umasta kasi ito ay akala mo kiing sinong magaling at guwapo. Eh, ano ngayon kung talagang magaling at guwapo ito? Wala naman siyang pakialam doon-wala na dapat. Ayaw na niyang alalahanin na minsan ay minahal niya ito at tinang- gihan nito ang pagmamahal niya. Hindi niya inakalang sa kanya rin pala babalik ang lahat ng pangungunsumi niya rito: ipinatapon kasi siya ng daddy niya sa probinsiya, at ang pinakamatindi sa lahat, kasama niya roon si Franco upang bantayan siya! Staying in a province without the comfort of the luxuries she was used to was hell as it is, at lalo pa iyong naging impiyerno nang ma-realize niyang in love pa rin pala siya kay Franco at wala na siyang pag-asang mapansin nito dahil engaged na ito sa iba...
Falling For Ms. Model [Published] by CeCeLib
CeCeLib
  • WpView
    Reads 4,794,898
  • WpVote
    Votes 128,716
  • WpPart
    Parts 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa bansa at ipinagmamalaki niya 'yon. Halos nasa kanya na ang lahat. Mapagmahal na mga magulang. Mababait na mga kapatid at mga kamag-anak niya na walang sawang sumusuporta sa lahat ng gawin niya. Maganda. Matalino. Mataray. Sanay siya na nasa kanya ang atensiyon ng lahat. Kaya naman ng makabungguan niya ng sasakyan ang antipatikong si Lancelott Storm, isang hilaw na amerikano na hindi kilala ang pagmumukha niya, halos sumabog siya sa sobrang galit. Sino ba ang lalaking ito na binangga na siya at lahat-lahat, hindi man lang sinambit ang salitang 'sorry' at wala pang kaabog-abog na iniwan siya ng dumuho sa gitna ng kalsada. At ang hindi niya matanggap ay sa dinami-dami ng photographer sa mundo, ito pa ang kinuha ng Fashion Magazine para kunan siya ng larawan. Nasaan ang katarungan?
Falling For Marlon Aiken [Published] by CeCeLib
CeCeLib
  • WpView
    Reads 4,049,513
  • WpVote
    Votes 108,439
  • WpPart
    Parts 15
Sa unang pagkakataon sa buhay ni Marjorie Torres Ortinez, nagkagusto siya sa isang lalaki. Hindi maalis ang mata niya sa lalaki kaya naman ginawa niya ang lahat para malaman ang pangalan nito. Nang malaman niya, para siyang stalker na dumadaan sa bar nito araw-araw para batiin ito ng 'hi'. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang binati ito na tango lang o pagtaas ng kilay ang sagot sa kanya. Sa ka-desperaduhang makasama niya palagi si Marlon Aiken Garcia, nag-apply siya bilang isang waitress sa bar na pag-aari nito. Akala niya magiging maayos ang lahat kapag natanggap siya... Doon siya nagkamali.