SeanoskeyMorales
"Ako si Nathan. Ang biktima ng sistemang bulok, ang tinig ng mga sinupil, at ang anino sa likod ng liwanag. Sa mundong puno ng kasinungalingan, ako ang salitang totoo-matapang, mapanira, makatarungan.
Ako ang hustisyang isinumpa ng mga makapangyarihan. Ginamit nila ang relihiyon, kayamanan, at impluwensya upang yurakan ang mahina. Ngunit sa bawat sugat na iniwan nila, ako'y nabuo. Hindi ako bayani, hindi rin ako halimaw. Isa akong repleksyon ng lipunang pilit nilang itinatanggi.
Ako si Nathan. Sa mga mata ng mundo, isa akong tagapagligtas. Sa mga mata ng mga makasalanan, isa akong bangungot. Dumating ako hindi upang humingi ng awa, kundi upang ipaalala sa kanila-ang tunay na katarungan ay hindi laging maputi, minsan, ito'y kulay dugo."