painmetwelve
- Reads 10,507
- Votes 161
- Parts 6
"Rule number one: do the dare. Rule number two: follow rule number one."
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi ng pinsan kong si Xylle.
"We are sorry, Whyley, but you need to follow the rule." Dagdag pa niya na nakangiti sa akin. "You are going to live with Mr. Depp 'the no fun' Angeles for 2 weeks. It's not bad, right? It's not like you are too conservative to refuse this."
Napabuntong hininga na lang ako. Dahan-dahan kong sinulyapan si Depp na seryosong nakikipag-debate sa iba pa naming kasamahan. Alam kong ayaw din niya sa gusto ng mga pinsan kong walang puso. At kahit makipagpatayan pa ako sa kanila ngayon, hindi ko na din mababago ang desisyon nila.
Bakit ba kasi ang li-liberated ng mga pinsan ko? Lumaki lang sa ibang bansa, para nang natural ang pagtira sa ibang bahay. Pwede namang iba na lang ang i-dare nila sa akin a. At bakit ba naman kasi natalo ako sa Poker! Kainis.
"Well, Why, Welcome to America!"