zzwndean
MINSAN SERYE: 1
Unang Libro,
Ang Pagpipira-piraso ng Nakaraan
Julian Elias, ang panganay ng pamilya Francisco. Tuwing paglubog at pagsikat, hindi ito pumapalya sa pagtatanong sa sarili. Ilang beses na bang may nasayang? Ilang pagkakataon na ba ang itinapon? Ilang papel na ba ang tinago o 'di kaya nama'y kinusot?
Sa bawat umaga, babangon, lalaban, pero para saan? Iyan ang katanungan niya noon. Minsan na siyang nawalan ng direksyon sa buhay. At sa ika-unang beses niyang iyon, hindi niya na nanaisin pang ulit na maramdaman pa ang nakaraan.
Nakaraan kung saan kabataan, kalayaan, mga pangarap at kagustuhan-pinilit na nilimot at ibinaon upang hindi na madala pa sa kanilang kasalukuyan.
Ngunit isang piraso ng nakaraan ang pinili niyang hindi kalimutan.
Ang dalagang minsan nang yumakap sa kaniya sa diliman. Sapagkat sa bawat yakap sa dilim, ang araw-araw, nauubos. At sa ikalawang pagkakataon, susubukan niyang baguhin ang mga piraso ng nakaraan.