PHR
76 stories
You And I by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 126,444
  • WpVote
    Votes 2,704
  • WpPart
    Parts 24
"I knew I loved you the first time I saw you. AndI'm falling over and over again every time I look at you." Kung gaano katagal nang kaibigan ni Rey si Casey ay ganoon na rin katagal na umiibig siya sa binata. Ngunit tila hanggang pagkakaibigan lang ang kaya nitong ibigay sa kanya. Gayunman, patuloy pa rin niyang minamahal ito nang lihim at idinadalangin sa Diyos na sana ay dumating ang panahon na matutugunan din nito ang pag-ibig niya. Tila dininig naman ng langit ang mga dasal ni Rey dahil isang araw ay biglang nagbago ang pakikitungo ni Casey sa kanya. Bigla itong naging extra sweet at maalalahanin. Nagkaroon tuloy siya ng dahilan upang ipaglaban ang nararamdaman niya para dito. Ngunit nang nakakita na siya ng pag-asang makamit ang puso nito, bigla naman siyang ipinagtabuyan nito nang paulit-ulit. Hanggang sa dumating sa puntong hindi na nagpakita o nagparamdam si Casey sa kanya. Dahil sa labis na pagmamahal niya rito ay inalam niya ang dahilan ng ipinagkakaganoon nito. Sa nalaman ni Rey masusubok kung gaano talaga katatag ang pag-ibig niya rito... Author's Note: This is one of the first stories I've ever written. Fifth book ko yata 'to? And I must've written this from year 2012. Anyway this story holds a very special place in my heart. Hope y'all like it. I'm going to update this every other day. Thank you. ?
Peter, My Beloved Angel (Assassins 2) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 78,327
  • WpVote
    Votes 1,601
  • WpPart
    Parts 12
Dahil sa halos siyam na taon na nilang relasyon, labis na ang pagtitiwala ni Jelay sa kasintahang si Peter. Kahit pa nga ba naging kasinlaki na ng refrigerator ang kanyang katawan, naniniwala pa rin si Jelay na mahal siya ni Peter. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagtitiwalang iyon at tinubuan ng insekyuridad sa katawan si Jelay nang hindi sinasadyang makita niya si Peter na may kasamang sexy at matangkad na babae. Inilihim iyon ni Peter kaya napilitan siyang sundan-sundan ang kasintahan. At sa pagsunod-sunod ni Jelay, lalo lang nadagdagan ang kanyang insekyuridad nang magpatuloy ang pagkikita ng nobyo sa babaeng itinuring na ni Jelay na karibal. Sa udyok na rin ng isang kaibigan, napilitan si jelay na baguhin ang kanyang lifestyle at maglunsad ng "Operation: Diet." Ngunit diet nga ba ang solusyon para mabalik ang confidence niya at tiwala kay Peter na nangakong siya lamang ang babaeng pagkamamahalin?
Pipilitin Ko Na Ang Puso Mo'y Mahulog Sa Akin (KANAWAY Book 1) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 197,974
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 31
"At kung tatanggapin mo ako, please accept the wine. Puwedeng masama ang lasa nito ngayon, but it will get better with aging. Tulad natin. We may argue, fight, and argue. But I believe we'll get better in time... You and me." Sa unang araw pa lang ng pagdating ni Ciara sa bayan ng Kanaway, mainit na agad ang dugo niya kay Lucas de Gala, ang masungit na lalaking nakatira sa lighthouse tower-like na bahay, dahil pinalabas siya ng lalaki nang mapagkamalan siyang nag-trespass sa pamamahay nito. Mula noon, sa bawat pagkikita nila ay para na silang aso't pusa kung magbangayan. But Lucas offered her something nobody ever dared to give her-ang magamit ang kanyang kakayahan sa paggawa ng alak. Kaya tinanggap niya ang business partnership na ino-offer ng lalaki. Lagi silang magkasama kaya hindi naiwasan ni Ciara na maging malapit kay Lucas. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na unti-unting mahulog ang loob sa binata--na may kabutihang-loob palang taglay. Handa na siyang sumugal lalo't naramdaman din niyang attracted si Lucas sa kanya. Pero nang ipagtapat ni Ciara ang tunay na damdamin ay labis siyang nasaktan dahil sa tahasang pagtanggi ng binata, sabay sabing kailanman ay hindi ito magmamahal...
PINAKAMAGANDANG LALAKI by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 175,772
  • WpVote
    Votes 3,645
  • WpPart
    Parts 20
"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa pag-aalaga sa nag-iisang kapatid. Kaya nang malaman niyang nakipagtanan si Yojan ay hindi niya iyon matanggap. Sa tingin niya ay hindi pa kaya ng kapatid na pumasok sa buhay-may-asawa. Kaya sumugod si Micah sa Kanaway-isang lugar sa dulo ng Benguet kung saan nakatira ang katanan ni Yojan na si Soraya-upang bawiin ang kapatid. Nanatili siya sa Kanaway at doon nakasama si Achaeus de Gala, ang nag-iisang kapatid ni Soraya at itinuturing na leader ng lugar. Sa simula ay inis si Micah kay Achaeus dahil sa pakikialam ng lalaki sa kanyang pakay. At wala siyang pakialam kahit sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na ang binata raw ang pinakamagandang lalaki sa buong Benguet. Pero nang magtagal pa ang pananatili ni Micah sa Kanaway ay unti-unti silang nagkalapit. Hanggang sa maramdaman niyang tinamaan na rin siya ng "animal" appeal nito. Tuwing mapapatitig nga siya rito ay kung saan-saan nakakarating ang kanyang imahinasyon. Noon nagpasya si Micah na iwasan si Achaeus. Dahil kung hindi ang lalaki ang may "gawin" sa kanya ay baka siya pa ang may "kakaibang" gawin dulot ng malakas na epekto sa kanya ng presensiya ni Achaeus.
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 924,419
  • WpVote
    Votes 22,447
  • WpPart
    Parts 34
Mavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdadalang-tao at sugatan sa dibdib at ng isang lalaking binubuhat ito at dinala sa ospital na siya ring pinagdalhan sa kanya noong panahong naaksidente siya. Limang taon ang nakalipas, nagbalik siya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente niya. Then she met the gorgeous Rolf Montilla. And the moment she set eyes on him, she felt a certain attachment and longing--the kind of longing that made her want to weep, that somehow they'd met already. May kinalaman ba si Rolf sa mga nangyayari sa kanya?
How To Kiss A Guy [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 59,096
  • WpVote
    Votes 1,884
  • WpPart
    Parts 11
Head over heels si Bianca kay Raf pero hindi siya pansin nito. When she learned the best way to his heart was to learn how to play the guitar, kinulit niya ang kuya niya upang turuan nito. Hindi ito pumayag at sa halip ay inirekomenda ang dating bandmate na si Radd. Maisip pa lang niya ang pagmumukha ni Radd ay umaalingawngaw na sa magkabilang tainga niya ang mga salitang mayabang, bastos, at babaero. Pero wala siyang choice kundi makibagay rito kung sa huli ay mapapansin naman siya ni Raf. Pero hindi lang pala ang paggigitara ang kailangang matutuhan niya. Because Raf wanted a good kisser, too. She had never been kissed, for Jude s sake! At dahil ito ang gusto niyang maging first boyfriend niya, kailangan niyang matutong humalik. Paano at sino ang magtuturo sa kanya? Oh, no! It couldn t be Radd, too!
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 221,297
  • WpVote
    Votes 5,015
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
A Brand-New Christmas For Luis by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 68,648
  • WpVote
    Votes 1,707
  • WpPart
    Parts 23
"I'm moving on. I want to love someone else. And I want it to be you." Paano ba mag-move on? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano magiging madali kay Luis iyon kung mula pagkabata niya ay wala siyang ibang minahal kundi si Lara? Minahal nga siya nito sa bandang huli pero kung kailan huli na ang lahat. Maigsi na lang ang sandali para sa kanilang dalawa. Pero gusto niyang mag-move on pa rin. Sa kabila ng sakit ng pagkabigo, alam ni Luis na kailangan niyang ipagpatuloy pa rin ang buhay niya. He wanted to love again. At hindi naman niya kailangang ilayo masyado ang tingin. There was Grace, ang sekretarya niyang ubod ng ganda at may mina yata ng self-confidence. Palagi pa nitong ipinagmalaking "dikit" ito sa big boss. Ang kaso ay may pagka-misteryosa din ang babaeng iyon. Kung kailan handa na siya para ligawan ito ay saka naman ito biglang nawala. At ang susi lang para mahanap niya si Grace ay ang big boss niyang si Kevin--- guwapo, mayaman at isa sa most sought after eligible bachelor in town. And Kevin was over-protective of Grace. Pero desidido na siya. Kahit harangan pa siya ng big boss, hahanapin niya si Grace. Kung nabasa mo ang kuwento ng Pahiram Ng Isang Pasko, malamang ay kilala mo na si Luis. Kung hindi mo pa nabasa ang kuwentong iyon, mas maganda unahin mo muna bago ito. This is a spin-off of the said novel. This book is published in 2017 by Precious Pages Corporation.
Ang Manang At Ang Playboy [COMPLETED] by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 875,869
  • WpVote
    Votes 20,739
  • WpPart
    Parts 33
Issabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her lifestyle was old-fashioned and her values were conservative. In short, isa siyang manang. Ikinabigla niya nang mabalitaan niyang sa kanya ipinamana ng kanyang Tiya Selena ang lahat ng ari-arian nito. But there was a proviso in her last will and testament. Makukuha lamang daw niya ang lahat ng ibinigay nito kung maipagpapatuloy niyang isulat ang librong hindi nito natapos nang maratay ito sa karamdaman. Of course, she could write. Pero mukhang hindi niya kayang ipagpatuloy ang pagsusulat ng unfinished manuscript ng isang sexologist! So now she had to find a sex guru to guide her in writing about a subject she was totally clueless about: Sex 101. May isang nagboluntaryong tulungan siya sa pagsusulat ng libro-si Drew dela Merced, isang part-time model and full-time sex god. Pero hindi raw ito papayag na pulos lecture lang sila dahil hands-on daw ito kung magturo! *Pubished under PHR* https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1051/Ang-Manang-At-Ang-Playboy NOTE: Oh, dear. This is the editor's edited file. Forgive the nag-uumapaw na "kanyang" at "lamang" at kung anu-anupang mga malalim na Tagalog. They're not from me but from the editor. :D Pag may oras ako, I will edit this file para mas easy read siya :)
My Bright Star (COMPLETE) - Published under PHR by MissClosetNovelist
MissClosetNovelist
  • WpView
    Reads 244,468
  • WpVote
    Votes 6,308
  • WpPart
    Parts 27
When they were in college, Yumi considers Pete as the pain in the neck that never goes away. Makulit ito at may kayabangan. Granted na may karapatan naman itong magyabang dahil guwapo talaga ito at charming. And he knew quite well how to use those charms to his advantage. Pero nakakainis ito dahil palagi na lang siya ang paborito nitong asarin. Then one day, bigla na lang siya nitong binigyan ng regalo. He even called her his bright star. Parang biglang nag-iba ang tingin dito ni Yumi. Suddenly, he was prince charming material. Then she noticed that she was starting to feel all warm and mushy whenever Pete was around. But just when she was ready to acknowledge the fact that she had feelings for him, bigla naman itong nagpaalam. Binanatan pa siya ng, "I'm sorry, I can't love you from afar anymore." Hindi ba nito napapansin na may nararamdaman na din siya para dito? Men, they can be really stupid sometimes.