vxmpty_cha's Reading List
6 stories
Just Call Me Ava  by vxmpty_cha
vxmpty_cha
  • WpView
    Reads 46
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 2
Kadalasan sa atin ay nangangarap ng perpektong buhay. Pero minsan sa buhay ay hindi natin maiiwasang mangyari ang hindi natin inaasahang pangyayari. Kagaya nalang ni Ara Mercadal. Siya ang bunsong anak ng pamilyang Mercadal. Sa kanilang magkakapatid ay siya ang mas paborito ng kaniyang Nanay. Lahat ng mga gusto niya no'ng bata pa siya ay palaging binibigay ng kaniyang Nanay. Hanggang sa lumaki siya at nakilala niya si Eliseo Soriano. Nagkaroon sila ng masasayang alaala na magkasama. Ngunit lahat ng 'yon ay naglaho nang maaksidente si Ara. Paano kung paglabas niya ng hospital ay wala na siyang maalala? Malalaman niya pa kaya kung ano ang dahilan kung bakit siya naaksidente? Copyright © 2023 Alright Reserved. Started: March 04, 2023 Ended: March 04, 2023
Targets of Destiny (Pereseo Series #1.5) by chiXnita
chiXnita
  • WpView
    Reads 5,248,426
  • WpVote
    Votes 177,835
  • WpPart
    Parts 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Hazel, pinagsama-sama at sabay-sabay na pinaglaruan ng tadhana. Handa na nga ba silang harapin ang lahat kahit na maaari silang masaktan at mawasak sa huli? *** Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Para kay Train, kaya niyang suwayin ang ama at maghintay ng hanggang sampung taon para kay AB. Para kay AB, pipilitin niyang mabuo ang nawasak na sarili para maging karapat-dapat kay Train. Para kay Kudos, kaya niyang masaktan nang paulit-ulit basta't mananatili siya sa tabi ni AB. At para kay Hazel, patuloy siyang aasa na mahahanap ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Pero paano kung tadhana at realidad na ang kalaban nila? Itutuloy pa rin ba nila ang laban kahit na pinipilit na nito na sumuko na sila?
Love at First Read (Pereseo Series #1) by chiXnita
chiXnita
  • WpView
    Reads 24,972,553
  • WpVote
    Votes 990,962
  • WpPart
    Parts 54
[ Pereseo Series #1 ] Habang nakikipagsiksikan sa MRT. May nahulog na diary. Diary ng NBSB. Napulot ng isang lalaki. Lalaking ang hobby... magpaiyak ng mga babae. -- Book cover by @arkiSTEPH
His Beating Heart (Epistolary) ✔️  by pizzaaaagood
pizzaaaagood
  • WpView
    Reads 246,346
  • WpVote
    Votes 3,885
  • WpPart
    Parts 103
An Epistolary Started: April 2022 Finished: April 2022 #1 in Epistolary (04-2022) #1 in Epistolary Novel (04-2022)
Tegan (Epistolary) ✔️  by pizzaaaagood
pizzaaaagood
  • WpView
    Reads 296,792
  • WpVote
    Votes 5,982
  • WpPart
    Parts 136
An epistolary Started: October 2022 Finished: December 2022 #1 Epistolary (02-2023)
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 39,551,706
  • WpVote
    Votes 1,325,702
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.