Elvie3253's Reading List
16 stories
Tuwing DapitHapon by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 7,989
  • WpVote
    Votes 213
  • WpPart
    Parts 60
Kilala si Badong bilang nangungunang pabling sa San Fabian. Pilyo at maloko. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa angking kakisigan ng binata. Ngunit nagbago ang lahat ng masilayan ni Badong ang magandang anak na dalaga ng Gobernador ng kanilang bayan, si Maria Soledad Mariano. Pag-ibig sa unang pagkikita. Unang beses pa lamang nasilayan ni Badong si Soledad ay sadyang nahulog na ang kanyang mapaglarong puso dito. Mula noon ay wala nang ibang babae sa kanyang paningin maliban kay Soledad lamang. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makipagkilala dito nang idaos ng kanilang bayan ang Kapistahan. Sa gabi ng sayawan, sa pagtatangka ni Badong na maisayaw ang dalaga, isang tagpo ang kanyang naabutan na naglagay kay Soledad sa panganib. Nagawa ni Badong na iligtas ito sa nobyo nitong nagtangka itong pagsamantalahan. Mula nang gabing iyon ay pinangako ni Badong sa kanyang sarili na hindi siya hihinto hangga't hindi nakukuha ang puso ni Soledad. Tila sinagot ng langit ang kanyang dalangin. Ang minsan pagligtas niya rito ang naging simula ng maganda nilang pagtitinginan. Sa paglalim ng pag-ibig nila sa isa't isa, sinubok ng tadhana ang kanilang pag-ibig nang mariin tutulan ng ama ni Soledad ang pag-iibigan ng dalawa. Pinaglaban nila ang pagmamahalan kaya't humantong sila sa desisyon na magtanan. Ngunit sa pagsisimula ng buhay nila bilang mag-asawa, dumating ang ikalawang digmaan pandaigdig na nagbago sa takbo ng kanilang buhay at ng buong San Fabian.
The Ex-Con Billionaire's Indecent Proposal by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 220,815
  • WpVote
    Votes 3,241
  • WpPart
    Parts 90
Sa isang bar nakilala ni Soleil si James matapos siyang iligtas nito mula sa tatlong lalaki na nanghaharass sa kanya. From a simple thank you and small talk, she found herself later at his place, making out with this handsome stranger. Hanggang sa makatanggap siya ng tawag mula sa kapatid, sinugod sa ospital ang ina nila at nangangailangan ng agaran na operasyon. Worried with confused mind, agad siyang nagpaalam sa binata. She was about to leave when he offered something that made her stop from leaving. An indecent proposal. Kapalit ng pananatili niya sa piling ni James ng isang gabi, bibigyan siya nito ng dalawang milyon. Pikit mata na tinanggap ni Soleil ang proposal ni James. She stayed and gave herself to him. Ang isang gabi na iyon ay naging mahirap para sa kanya na kalimutan. Makalipas ang isang taon, kumalat ang balita na nangangailangan ng Executive Assistant ang bilyonaryo at ex-convict ng CEO ng CJM Group of Companies na si Carter James Monares. Sa pang-uudyok ng mga kaibigan, nag-apply siya para sa posisyon at pinalad na matanggap. Sa unang araw sa trabaho, sinorpresa siya ng katotohanan na ang James na naka-one night stand niya noon at ang bilyonaro na ex-convict ay iisa.
The Bridal Shower 🔞 by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 123,830
  • WpVote
    Votes 2,655
  • WpPart
    Parts 101
Just less than two weeks before Ellie's wedding with her boyfriend of seven years, Kevin Escalante. Sabado ng gabi nang ganapin ang Bridal Shower na sorpresa na hinanda ng mga kaibigan. Ngunit ang masaya sanang okasyon ay napalitan ng takot matapos gahasain si Ellie ng dalawang strip dancers na sorpresa din hinanda ng mga kaibigan. Sa loob ng labinlimang minuto, biglang bumaliktad ang mundo ni Ellie. Ang pagkababae at dangal na kanyang iniingatan ay biglang naglaho sa isang iglap lamang. Lalong gumuho ang mundo ni Ellie nang makipaghiwalay si Kevin at hindi mahanap ang dalawang lalaking lumapastangan sa kanya. Dahil sa mga nangyari, umalis si Ellie at nanirahan sa New York, USA. Seven years later, she came back with her son, Nathan. Sa pag-umpisa ni Ellie ng bagong buhay pagbalik ng bansa. Nakilala niya si Chris. Ang binatang nagmamay-ari ng Coffee Shop malapit sa kanyang bakery at flower shop. Lalo silang napalapit ng binata nang maging malapit din ang kanyang anak dito. Ngunit anong gagawin ni Ellie kung isang araw ay tumambad ang katotohanan na may kinalaman si Chris sa nangyari sa kanya pitong taon na ang nakalipas?
KRISTINE SERIES 26: Trace Lavigne (COMPLETED) by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 211,374
  • WpVote
    Votes 3,524
  • WpPart
    Parts 23
Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of love... of tenderness. He was angry and bitter. Tulad ng dalawang kasamahan niya--ex-SEAL Ivan and Brad--nakikipaghamok siya na tila ba wala nang bukas. Until an exotic stranger proposed to him. Walang dalawang tao na noon lang nagkita ay magpapakasal sa isa't isa. But the lady was desperate to marry anyone available. And he would rather be the one. Ano ang mawawala sa kanya kung sasang-ayunan niya ang alok ng estrangherang pakasalan niya ito? In one moment of madness,he gave his name to a dark beauty but a stranger. Only that stranger happened to be Jessica Fortalejo--the youngest heiress of the Fortalejo Empire. _____ **all credits goes to Martha Cecilia**
I long for your heart (Elissedearest) by Bella_sauner
Bella_sauner
  • WpView
    Reads 112,888
  • WpVote
    Votes 1,738
  • WpPart
    Parts 14
Isang pangako ng kamusmusan ang pilit niyang kinakalimutan. Gaya ng gasgas ng linyang "promises are meant to be broken", alam niyang ang pangakong binitiwan ng isang binatilyo ay walang kasiguruhan. Alam niyang hindi niya dapat panghawakan ang pangakong iyon. Ngunit bakit iba ang sinasabi ng kanyang puso? Magagawa bang pagtibayin ng munting butil ng pag-asam ang patuloy na pagyakap sa pangakong binitiwan, o sa paglipas ng panahon ay tuluyang kalilimutan ang isang pangakong walang kasiguruhan? Para sa ala-ala ng nag-iisang Martha Cecilia. Ito ay bunga ng aking pangungulila sa obra niyang Kristine Series na siyang nagbigay buhay sa lahat ng emosyong mayroon ako ngayon.
A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed) by sincerelyjeffsy
sincerelyjeffsy
  • WpView
    Reads 190,850
  • WpVote
    Votes 6,246
  • WpPart
    Parts 31
Zach Navarro and Elisse Ybañez had a mutual understanding. Theirs was a kind of puppy love. Hindi pa man namumukadkad ang kanilang love story, Zach left for the States to study there. Nang umalis si Zach, hindi katagalan ay namatay na rin ang ina ni Elisse na si Henrietta dahil sa isang karumaldumal na krimen. Dahil dito ay napilitang makipagsapalaran si Elisse sa Maynila where she encountered challenges unimaginable for her. At nang sa palagay niya ay kailangan na niyang sumuko, that's the time when she met Troy Fajardo-de Silva. Ang tagapagmana ng Kristine Group of Companies na kilala sa buong mundo. Troy helped her and maybe that's the reason why she loved him. And Troy loved her too from the moon and back. So, they decided to marry. While they're planning sa napipinto nilang pagpapakasal, Zach came back to the Philippines. They meet once again at hindi tinatanggi ni Zach na mahal pa rin niya ang kababata. Unknowingly, Elisse still feels the same. Elisse was torn between two lovers. But, she's not the only one who's going to choose. Handang magpatayan ang dalawang lalake para sa kaniya. Matutulad ba ang angkan ng mga Navarro at Fortalejo sa naging kapalaran noon ng mga Fortalejo at de Silva? Malalamatan din ba ang relasyon ng dalawang pamilyang ito dahil sa hidwaang namamagitan kina Troy at Zach? What will Elisse do in this kind of situation? Tunghayan natin ang love triangle sa pagitan nina Zach, Elisse at Troy in this Kristine Series fanfiction entitled: "Elisse, Dearest".