renren_flrs's Reading List
3 stories
Currents of Certainty by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 3,962
  • WpVote
    Votes 142
  • WpPart
    Parts 21
Warrior of San Marcelino Series #4 Mula kabataan hanggang sa unang taon ng kolehiyo, mahilig akong magtampisaw sa tubig. Ulan man sa labas o banyo; tubig man ng dagat o ilog, hahayan kong mabasa ang aking balat. Kahit madalas ay nanlalamig pagtapos, hindi ako nagsasawa. Ngunit noong nalakbay ko ang katawan ng tubig gamit ang barko, nasilayan ko ang ganda ng mga buhay dito. Sa pagkakataong 'yon ko rin nakilala ang alon; magkakaiba ang direksyon. May kasiguraduhan pa rin ba ang patutunguan kung ang bawat alon ay iba-iba? Walang sagot ang tubig ngunit nanatili ako sa barko kahit walang malinaw na daan. Sa pagdaong, doon nagkaroon ng kasiguraduhan ang alon. Started: January 2, 2026 Ended:
Ugnayan sa Ulan by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 61,203
  • WpVote
    Votes 838
  • WpPart
    Parts 35
Warriors of San Marcelino Series #3 Ayokong magtampisaw sa ulan para maranasan ang kakaibang kasiyahan kung sisipunin pagtapos. Gusto kong manood ng mga batang naglalaro roon. Ang tanda ko na para magtampisaw, mamatahin ako ng mga tao. Hindi para sa akin ang ulan. Ayokong maging ulan na makakaperwisyo sa marami para maibigay ang nais ng mga malapit sa akin. Mababasa ko nga ang mga puno ngunit mababasa ko rin ang mga tao. Uulan na lang ako sa dilim; sa hindi mataong lugar. Ayokong ugnayan ang ulan dahil ang lamig nito'y pinapalabas ang gusto kong itago. Ayoko ngang magtampisaw sa ulan pero sa tuwing kailangan ko ng masasandalan nand'yan siya. Ang sarap huminga sa hanging dala ng ulan. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakawala ng mga iniisip ang lamig ng patak; hindi ko mapigilang magpahatak. Started: July 17, 2025 Ended: November 22, 2025
Ang Tahanang Iniiyakan by kathayana
kathayana
  • WpView
    Reads 47,026
  • WpVote
    Votes 1,129
  • WpPart
    Parts 35
Warrior of San Marcelino Series #2 Sila dapat ang ligtas kong espasyo; kung saan may katahimikan at kalayaan. Ang tahanan ang dapat sandigan at hindi rason ng kalungkutan. Sa bahay na 'yon dapat tumatahan ngunit doon ko kailangang magpakatatag. Sila ang espasyong pumipilit sa aking maging hindi ako. Sila ang tahanan aking iniiyakan. Sa bawat araw na lumipas ang mga emosyong dapat niyakap ay tinutulak. Pati ang taong nagbigay ng mga emosyon ay akin ding tinulak. Ang taong nagsilbing tahanan ay aking iniwan. Hindi ko kayang tumanggap dahil iyon ay kahinaan. Ayokong maging bukas dahil mahirap at nakasanayan. Kailangan ko ng oras; hindi ito ang tamang panahon para magkatuluyan. Habang ako'y hinuhilom ng panahon, ikaw ay naiwanang wasak. Subalit nanatili kang tahanang inuuwian ng aking mga luha. Started: January 15, 2025 Ended: June 3, 2025