Maricar Dizon
28 stories
Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,118,679
  • WpVote
    Votes 26,672
  • WpPart
    Parts 36
"In my whole life, your smile is the most beautiful thing I've ever seen." In the real estate business, Benedict is considered as the wolf. When he wants a property, he will stop at nothing until he gets it. At sa kasalukuyan, isang private land sa bayan ng Rizal ang gusto niyang maangkin. Pero ibebenta lang daw iyon sa kanya ng matandang may-ari sa isang kondisyon-kailangan niyang pakasalan ang apo nito. Worst, kailangan pa niyang suyuin ang dalaga. That land is the only hurdle for the completion of Benedict's dream project. Kaya kahit hindi niya type at parang masyadong uncivilized si Lyn Fajardo, pumayag siya sa kondisyon. Pinaibig ni Benedict ang dalaga at nagpakasal sila. Pero sa bawat araw na magkasama sila, tumitindi ang guilt sa kanyang dibdib. Lyn turns out to be an amazing woman and he is starting to hate himself for tricking her. Inaasahan na niyang magagalit ito pagkatapos malaman ang totoo. Ang ikinagulat ni Benedict ay ang sakit na nararamdaman nang mawala ang pagmamahal na palagi niyang nakikita sa mga mata ni Lyn. He realizes that in the short time of being married to her, he has fallen in love with his wife. But now it's too late. Ayaw na ni Lyn sa kanya note: this book is already published and available in bookstores (and ebookstores) please if you want to (and if you can) support yours truly i hope you can grab a copy. thank you! :)
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,782,926
  • WpVote
    Votes 40,451
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 2,277,608
  • WpVote
    Votes 42,814
  • WpPart
    Parts 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother. Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya. "I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return." Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili
CHICKBOY (His Sweetest Mistake) REVISED AND COMPLETE VERSION by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 257,107
  • WpVote
    Votes 6,826
  • WpPart
    Parts 21
My name is Thorne Alonso. Bukod sa rivalry ko sa cousin ko, I can say that I have a perfect life. Guwapo ako. Matalino. Mayaman. I always get what I want and do what I want. YOLO, 'pre. No time for serious stuff. Popular ako sa campus at lahat ng chicks, hindi ko na kailangan ligawan kasi sila na ang kusang lumalapit sa akin. Wala akong sineseryoso. For me, relationships are just a game that I always win. Pero nang makilala ko si Danica Solomon, nagbago ang lahat. Kung bakit naman kasi siya pa ang naisip kong pormahan para maging date sa dance party ng Richdale University. Kung bakit naman kasi naisip ko siya pag-tripan dahil lang type siya ng cousin ko. Kung bakit ba naman dineadma ko ang bulong ng instinct ko when Danica and I first met. Nagkaroon kasi ako ng feeling 'non na iba siya sa lahat ng chicks na nakilala ko na. Bumalik tuloy sa akin ang karma. One year after the disastrous dance party, when my cousin punched me in front of the whole student body, at kung kailan nalaman ko rin na naglolokohan lang pala sila ni Danica, bigla siyang sumulpot sa bahay namin. With a baby in her arms. What the heck?!
SUBSTITUTE LOVER (R-18) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 5,488,404
  • WpVote
    Votes 134,244
  • WpPart
    Parts 55
[highest rank #1 in ROMANCE] May mga ginawang pagkakamali si Andrea noon na naging dahilan kaya naging estranged siya sa kanyang pamilya. Pero isang araw sumulpot sa apartment niya ang kakambal na si Veronica. Humingi ito ng pabor. Magpanggap daw siyang ito at mag stay bilang guest sa bahay ng lalaking gusto ng parents nilang pakasalan ni Veronica. Dahil may ipinangako itong kapalit, pumayag siya. Unang kita pa lang ni Andrea kay Denver Vallejo alam na niyang napasubo siya. He was the most beautiful but also the most intimidating man she had ever seen. Even when he was rude and arrogant, she could not deny the sexual tension between them from the moment they met. Unang pagdidikit pa lang ng mga katawan nila, muntik na niya makalimutan na substitute lang siya ng kakambal niya. Hindi intension ni Andrea na maging physically intimate kay Denver. Mas lalong wala sa plano na maging emotionally attached siya rito. Pero paano niya iyon maiiwasan kung gabi-gabi silang magkatabi sa kama? Kung sa haplos at halik nito natagpuan niya ang comfort na matagal na niya hinahanap? Sa kabila ng warning bells sa utak niya, hinayaan ni Andrea ang sariling mahalin ito. Alam niyang masasaktan siya kalaunan. Kasi oras na malaman ni Denver na niloloko niya ito, siguradong kamumuhian siya ng binata.
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,678,751
  • WpVote
    Votes 45,083
  • WpPart
    Parts 55
Na kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At paglipas ng maraming taon, saw akas ay nahanap din ni Keith ang kanyang anak. Pero hindi lang si Yona ang natagpuan niya kung hindi pati ang babaeng tumayong ina ng bata, si Sylve.
Bachelor's Pad series book 12: THE PERFECTIONIST by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,041,823
  • WpVote
    Votes 25,628
  • WpPart
    Parts 37
Matagal nang magkakilala sina Apolinario Monies at Sheila Ignacio pero hindi sila magkaibigan. 'Katunayan, palagi silang nagbabangayan tuwing nagkikita. But at the night of Sheila's best friend's wedding, they had a truce. Nakapag-usap sila tungkol sa maraming bagay nang hindi nag-aaway. They got too comfortable and too reckless that they ended up sleeping together. It was supposed to be a one-time thing. Pero hindi na nawala ang physical attraction at kakaibang connection nina Sheila at Apolinario. Ang problema, wala silang romantic feelings sa isa't isa. Gumawa sila ng kasunduan-isang no-strings-attached physical relationship hanggang sa parehong mawala sa sistema nila ang isa't isa. Ang hindi inaasahan ni Sheila ay tatagal nang maraming buwan ang "arrangement" nila. Namalayan na lang niya, in love na siya kay Apolinario. But the arrangement had to end. Kailangan na kasing magpakasal ni Apolinario sa ibang babae-isang pangako sa namatay na ina, na kailangang matupad kahit pa ang kapalit ay ang sariling kaligayahan. Si Sheila naman, kahit in love na sa binata ay mas komportable sa isang casual relationship. Para kasi sa kanya, ang commitment, lalo na ang kasal ay parang isang preso na mahirap labasan. But one day, Sheila got into a car accident that almost killed her. Naging wake-up call iyon para sa kanila ni Apolinario. Nakahanda na ba siyang makulong sa isang relasyon? At si Apolinario, nakahanda rin bang talikuran ang pangako sa ina?
Bachelor's Pad series book 11: ISLAND GIRL'S TYCOON by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,509,996
  • WpVote
    Votes 31,632
  • WpPart
    Parts 39
Nagulat si Trick nang pagkatapos ng isang buwang pagkawala ng kanyang ama mula nang lamunin ito ng dagat, bigla itong sumulpot. Ang lalong nakapagpabigla sa kanya, may kasama ang papa niya na babaeng mas bata sa kanya nang ilang taon. Anika looked innocently beautiful. Pero may nakita pa si Trick sa kislap ng mga mata ng dalaga-she was in love with his father! Hindi makakapayag si Trick na sirain ng babaeng tagaisla ang relasyon ng kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para mailayo si Anika sa papa niya. Kahit pa dumating sa puntong paiibigin niya ang isang babaeng malayong-malayo sa iisipin ng marami na tipo niyang babae...
Bachelor's Pad series book 8: REVIVING THE CHARMER (Art Mendez) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 790,982
  • WpVote
    Votes 18,113
  • WpPart
    Parts 25
May manipis na linya sa pagitan ng unconditional love at katangahan. Sa loob ng dalawang taong pagiging assistant ni Charlene kay Art Mendez, isang sikat na film director, buo ang paniwala niya na unconditional love ang nagtutulak sa kanya na gawin ang lahat para sa binata. Mula sa pagre-resign sa dati niyang trabaho para maging assistant ni Art, hanggang sa pagiging punong abala sa preparasyon ng kasal nito. Bale-wala sa kanya kahit sa tingin ng iba, pagpapakatanga ang ginagawa niya. Hanggang isang aksidente ang naging dahilan para hindi matuloy ang kasal ni Art. lyon din ang naging dahilan kaya nagkalapit si Charlene at ang binata. Ipinangako niya na hindi ito iiwan hanggang sa maka-recover. Unti-unti ay nakita niya ang recovery ni Art. Unti-unti rin ay naging higit pa sa dati ang relasyon nila. When he kissed her, she felt like her feelings would finally be reciprocated. Nagkaroon siya ng pag-asa. Na agad ding gumuho dahil bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Art.
Bachelor's Pad series book 2: THE FALL OF A WOMANIZER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,549,581
  • WpVote
    Votes 34,642
  • WpPart
    Parts 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagang magpakita ng interes sa kaniya, nakaramdam siya ng insekuridad. Ross is the embodiment of an eligible bachelor; Guwapo, may magandang trabaho at mayaman. Just when she was about to open her heart to him, something happened to her mother. Kinailangan niyang putulin ang namumuo na sana nilang unawaan ni Ross. Lalo na at nagdesisyon siyang lumapit sa mayaman niyang ama na may iba ng pamilya. Nang tumanggi ang kaniyang ama na tulungan sila nagalit si Bianca. She vowed revenge. She acted as his father's mistress to ruin his reputation. Kabit na ang tingin sa kaniya ng lahat nang muling magsalubong ang landas nila ni Ross. Narealize ni Bianca na may damdamin pa rin siya para sa binata. At determinado pa rin si Ross na suyuin siya. But how can she set her feelings free if she's tangled with lies she created herself?