Pagkatapos ng dalawang taong pagkakakulong sa bahay, gusto ni Maya ng pribilehiyong masilip si Dan sa sinehan nang malapitan para pakawalan ang isinilid na damdamin. Pero ito ang totoong buhay, hindi pelikula, 'di ba?
Makalipas ang pitong buwan ng naudlot na pag-amin, matatagpuan ni Maya ang sarili sa kumpol ng mga manonood na tumutunghay sa gawa-gawang buhay na ginagampanan ni Dan. Sa larangan ng teatro, saan ba nagsisimula ang totoong buhay?