Frans_Slay
"Dhea! Stop the car!" pagpipigil ni Zheanna sa kakambal niya at hinawakan ang stirring wheel "if sayo lang din mapupunta ang lahat! Better na mamatay nalang tayo!" at biglang niliko ni Zendhea ang sasakyan.
Kitang-kita naman kung paano unti-unti nabangga ang sasakyan sa isang malaking puno at kung paano nauntog ang ulo ng dalawang babae sa loob nito, pareho din silang walang malay at malala ang sugat sa mga ulo nila.
Ilang minuto pa ay may mga grupo na ng tao na nakapansin sa nabanggang sasakyan kaya tumawag sila ng ambulansya, napuno ang lugar ng usap-usapan at ingay ng ambulansya habang maiingat na nilalabas sa loob ng sasakyan ang dalawang biktima na puno na ng dugo sa mukha at ulo.
Bago pa maipasok sa ambulansya ang dalawa ay dumating ang ilang sasakyan at lumabas dito ang pamilya nila, mapatutup naman ng bibig ang ina nila habang nilapitan sila ng kuya nila.
"Come on my princesses, kuya is here. Please lumaban kayo, hindi kakayanin ni kuya mawala ang isa sainyo" nag mamakaawang turan ng lalaki, hindi na niya mapigilan maiyak habang pumapasok sila sa ambulansya at tuluyan na nga'ng umalis habang naka sunod ang sasakyan ng mga magulang nila.
__________
A story about a twin who develops hatred because of some circumstances, pano nila maaayos ang gusot ng bawat isa? O maaayos paba nila ang mga problema nila? Makakamit ba nila ang happy ending together? O isa lang sakanila ang makakakamit ng happily ever after?
__________
2 authors known as:
Frans_Slay and GClystal36
This story is fictional, any names, places and scenes are purely all imagination by yours truly authors.