jyuuutko
- Reads 1,520
- Votes 68
- Parts 7
Isang film project ang naglapit kay RJ at Kye, ngunit ito rin ang sumira sa buhay na kinagisnan ni RJ. Bilang isang babaeng naglalaro ng basketball, sanay na si RJ sa mga bulong-bulungan tungkol sa kaniyang sekswalidad, pero nanatili siyang panatag dahil alam niyang straight siya. Pero nang itakwil siya ng kaniyang mga magulang dahil sa akalang "girlfriend" niya si Kye, gumuho ang kaniyang mundo.
Habang naghahanap ng matutuluyan, si Kye ang naging tanging sandigan niya. Doon nag-umpisang lumabo ang mga linya sa pagitan ng acting at reyalidad. Paano lalabanan ni RJ ang nararamdaman niya para sa isang babaeng may boyfriend na, kung ang mismong pag-ibig na ito ang naging dahilan kung bakit siya nawalan ng pamilya?