Read Later
3 stories
Mahal ng Araw by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 23,540
  • WpVote
    Votes 1,353
  • WpPart
    Parts 3
Ang pagtingin ni Sun sa pag-ibig ay tulad din ng araw -- lulubog at lilitaw. Ngunit may ilang babae sa kanyang buhay ang nakapagpabago ng kanyang paniniwala. Na di lahat ng kanyang iibigin ay tugma sa pagkakataon. Na di lahat ng kanyang iibigin ay handang manatili. At ang pag-ibig na wasto at mamamalagi ay isang araw-araw na dalangin.
Lost and Found by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 303,584
  • WpVote
    Votes 13,218
  • WpPart
    Parts 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang makita niyang wala ang litrato sa wallet ang nag-umpisa ng pag-iiba ng kanyang mga araw at ang paghahanap ng isang bagay na si Theo lamang ang makapagbibigay. Hindi maganda ang nakaraan ni Theo -- na-late siya ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente at nawala ang tsansa niya sa taong matagal na niyang gusto. Kaya nang matagpuan niya ang wallet ni Tasha at mapagbintangan siyang itinago ang litrato nito, alam ni Theo na may pagkakataon pa siyang mag-umpisa ng bagong kabanata na si Tasha naman ang kasama. Dalawang taong nawalan, dalawang taong may nahanap. Kung sabay ba nilang tutuklasin ang mundo ng pag-ibig na ngayon pa lang nila mararanasan, sabay rin ba silang mawawala?
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,652,071
  • WpVote
    Votes 690
  • WpPart
    Parts 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017