fancy_virgo's Reading List
3 stories
The Senator's Woman (Published) by LadyClarita
LadyClarita
  • WpView
    Reads 5,128,102
  • WpVote
    Votes 102,478
  • WpPart
    Parts 45
(Delilah Series # 1) "Sigurado ka ba na ipapalaglag mo, Winona?" Boses na naman ng walang pusong ama niya na pumukaw sa akin. Mas hinigpitan ko ang mistulang pagyapos sa bagong buhay na dinadala. Napangiti ako sa sarili. "Oo, Senator Caleb Del Fuego. Sigurado na ako," sambit ko at ibinaba na ang telepono. Dahan-dahan akong lumayo na mula sa bintana at tinungo ang salamin sa sulok. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nakita ko ang isang babaeng mistulang isang multo dahil sa suot na puting bestida. Nakalugay ang mahabang napakaitim na buhok na kulot sa dulo. Wala na ang kolorete sa mukha na nakapang-akit sa isa sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Hubad. Makasalanan. Isang apid sa lipunan. Anay ng pamilya. Ako si Winona Arabella Santibañez. Ako ay isang kabit. I am The Senator's Woman.
The Accused Mistress by LadyClarita
LadyClarita
  • WpView
    Reads 1,698,964
  • WpVote
    Votes 37,715
  • WpPart
    Parts 43
(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nila ang buo kong pagkatao. Dumapo ang tingin ko kay Lolo na nakaupo sa tabi ni Attorney Pelaez. Pumikit siya nang mariin. "N-No... No... That is not true... " namamaos kong paninindigan. Halos maubusan na ng lakas. I could not feel the witness chair where I'm sitting on anymore. Pumikit ako nang mariin at kasabay nito ay ang paglandas ng maiinit na mga luha. "Please... Hindi t-totoo 'yan... Please s-stop," pagmamakaawang hikbi ko. Yumuko ako dahil hindi na kaya pang tanggapin ang mga mapanghusgang tingin ng mga nasa harapan. Lalong-lalo na ng abogadong siyang tila ba nagpaparatang. "Do you have anymore questions, Mr. Attorney?" mahinahong tanong ng judge. "None, Your Honor," biglang namaos ang boses niya. "No more questions for this cross examination." Nag-angat ako ng mukha. Tiningnan ko ang hitsura ng lalaki na minsan ko ng minahal nang lubusan. I looked at the face of my mother's criminal defense attorney. The very face of Attorney Lake Jacobe Mendez.
The Second Fall by LadyClarita
LadyClarita
  • WpView
    Reads 1,105,524
  • WpVote
    Votes 22,676
  • WpPart
    Parts 43
(Delilah Series # 3) "You were my father's mistress. How else do you want me to treat you?" Halos matumba ako sa bigat na dumagan sa puso ko dahil sa sinabi niya. Tell him! Tell him the truth. Tell him why you had to do it! Sigaw ng utak ko ngunit hindi naman kayang panindigan ng bibig ko. Tulad na lang ng nakaraan ay wala akong ibang nagawa. I looked at him with pleading eyes. Hoping for him to understand. Begging him to search for the truth himself. "Tell me, Clau or shall I say tell me, Doctor Abigail Claudine Manalo," binabalot ng pait ang bawat pagbigkas niya sa buo kong pangalan. "Did you think of my father while you slept with me? Did you wish it was him beside you while you were in bed with me?" Bumalatay ang sakit at pang-aakusa sa kanyang mga mata. "Did you . . . even love me?" "Ang . . . Ang tagal na no'n, Theo," tanging nasabi ko sa mahinang boses. Napasinghap ako at napatakip sa bibig nang suntukin niya ang pader. Malutong ang sunud-sunod na pagmura niya. Nagtagis ang kanyang bagang. Tiningnan ko ang kamay niya at nahindik sa nakitang dugo na dumaloy mula rito. Sumabay dito ang pagbuhos ng mga luha ko. "T-Theo. . ." Tinitigan niya ang kanyang nagdurugong kamao. Ni isang beses ay hindi niya ako sinulyapan. It was like I wasn't even there. Just him, his anger, and his pain. He turned around and walked away. I wanted so bad to tell him the truth. Pero paano ko gagawin iyon? Paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanan kung lalo lang itong ikawawasak ng buhay niya?