epitomeofpain
- Reads 2,744
- Votes 109
- Parts 7
Fading Signals Anthology#1: Sa Dulo
Isang kwento ng mga bituin, distansya, at mga pusong hindi na muling nagtama sa tamang oras.
Minsan, sapat na ang isang gabing hiram.
Isang gabing paglalakad sa ilalim ng mga kalawakan-kung saan ang mga bituin sa itaas ang nagsilbing tanging saksi at gabay.
Gabay sa dalawang taong minsang pinagtagpo ng pagkakataon, pinaglayo ng tadhana, at ngayo'y muling pinaglapit sa paraang hindi nila inaasahan.
Matagal nang lumipas ang mga salita.
Matagal nang natabunan ng katahimikan ang mga kumustahan, ang mga birong hindi nasundan, at ang mga damdaming pilit itinago sa likod ng screen.
Hanggang isang gabi, sa gitna ng mataong Cubao, sa pagitan ng ilaw ng lungsod at alimuom ng ulan-bumalik ang lahat.
Ang mga matang hindi na banyaga.
Ang mga salitang tila naglalakad sa hangin pero hindi maibulalas.
Ang mga damdaming pilit itinapon noon pero matiyagang bumabalik, gaya ng ulan na paulit-ulit bumabagsak sa parehong kalsada.
Gusto pa sana nilang bagalan ang bawat hakbang.
Gusto pa sana nilang lasapin ang malamig na hangin, ang tila walang katapusang kalye, ang init ng presensyang matagal na nilang inilihim na hinahanap.
Gusto pa sana nilang patagalin ang isang gabing iyon-isang gabing tila sila lang ang natitira sa mundo.
Pero hindi nila hawak ang oras.
Hindi nila kayang patigilin ang mga tala sa paglipat-lipat sa kalangitan.
Hindi nila kayang i-freeze ang gabing iyon sa kung anong punto sana sila masaya, bago sumagi ang mga sakit at tanong na iniwan ng nakaraan.
Ang sabi nila, may mga bagay na walang hanggan.
Pero minsan, kahit anong pilit, kahit anong dasal, kahit ilang ulit mo pang lakarin ang parehong kalsada...
Nasa dulo na kayo.
At minsan, ang dulo ang tanging paalala na minsan kayong nagtagpo - pero hindi palaging kayong dalawa ang magkasama hanggang sa huli.
Wattys 2018 Official Longlist.
Wattys 2018 Official Shortlist.