exseanito
- Reads 962,639
- Votes 25,231
- Parts 45
Buong buhay ni Ellis Xydrien Gomez, itinago niya ang tunay niyang nararamdaman. Dahil sa sakit ng nakaraan, natuto siyang mag-ingat sa mundong alam niyang hindi tatanggap sa isang katulad niya. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Faustino Alonzo Abuel.
Si Austin ang sikat na lead singer ng bandang Echoes. Sanay siyang hinahangaan ng lahat at nakukuha ang anumang gusto niya. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, kakaibang hila ang naramdaman niya kay Ellis, isang koneksyong hindi niya pa naranasan noon.
Habang lumalalim ang nararamdaman nila para sa isa't isa, kailangan nilang harapin ang mga sugat ng kahapon at ang husga ng ibang tao. Can they overcome their fears and find harmony, or will their love fall apart like a broken melody?