renieL___
Story Description
Kung ang panaginip ay mas masaya pa kaysa sa reyalidad, mas pipiliin mo bang matulog na lamang o kahit mahirap ay imumulat mo ang iyong mga mata at matapang na haharapin ang buhay?
Welcome sa Sweet Dreams Inc.!, isang kompanya na matatagpuan sa isang mundo na kung tawagin ay ang Somniseka, kung saan ginagawa at nabubuo ang pinakamasasayang panaginip ng bawat tao sa Teraseka o ang daigdig ng mga tao. Mayroong mahalagang rule ang dapat sundin ng bawat dream makers sa Somniseka: "Ang mga dream makers ang gumagawa ng masasayang panaginip ng inyong mga kliyente. Hindi dapat nila kayo makita, dahil sa oras na mangyari iyon, baka hindi na nila gustuhing gumising pa."
May isang babaeng taga Teraseka ang nagngangalang Nica. Hindi ganoong maganda ang reyaledad ng buhay niya. Hanggang sa, si Lucio na isang dream maker na pangarap ang makagawa ng pinakamagandang panaginip ay mapa-assign sa kaniya. Anong kapalaran kaya ang naghihintay para kay Lucio, isang sweet dream maker at sa kaniyang kliyenteng si Nica na isang tao?
Disclaimer: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang ng may akda. Ang kahit anong pangalan o karakter, negosyo o lugar, pangyayari o insidente, ay pawang gawa-gawa lang at walang katotohanan. Ano mang pagkakahawig o pagkakatulad sa totoong tao, nabubuhay o pumanaw na, o sa mga totoong pangyayari ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
Sa Diyos ang papuri!