My Reading List
4 stories
Tenebris Anima by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 888,191
  • WpVote
    Votes 29,001
  • WpPart
    Parts 53
Walang taong ipinanganak na masama. Ngunit si Seth, isang lalaking hinubog ng pait ng nakaraan, ay hindi kailanman nabigyan ng pagkakataong piliin ang sarili niyang landas. Sa kanyang mga mata, anino ang sumisilip-multo ng kahapong puno ng sakit, lungkot, at pagkakanulo. Pilit niyang tinakasan ang dilim, ngunit sa mundong malupit, siya ay itinulak palalim sa anino at napilitang maging isang mamamatay-tao. Ngunit ano ang hustisya kung ito ay nababahiran ng dugo? Ngayon, hawak ang punyal ng paghihiganti at ang baril ng hustisyang ipinagkait sa kanya, si Seth ay naglalakbay sa landas ng kamatayan upang ipaglaban ang katarungan para sa iba-katarungang kailanman ay hindi niya natamasa. Sa gitna ng dilim at liwanag, kasalanan at katubusan, alin ang mananaig sa pusong bihag ng galit at pagdadalamhati? Humanda ka sa isang kwento kung saan ang pag-ibig ay nakikipagtagisan sa poot, ang hustisya ay nakikipagsayaw sa karahasan, at ang isang lalaking pinipilit magpatawad sa sarili ay natatagpuang nakaharap sa katotohanang maaaring huli na ang lahat. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Standalone Cover Design: DPEditors Started: August 2016 Completed: March 2017
BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Busaw by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 150,516
  • WpVote
    Votes 4,487
  • WpPart
    Parts 27
. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lakas siya ng kanyang mga magulang, kasing-makapangyarihan pero sa pag-ibig ba'y kasing tapang rin nila??? ********** "Sabihin mo na ang kailangan mo, ang gusto mong makuha para sa madaling panahon ay makaalis ka na rito.” aniya at tinitigan ako habang itinataas ang zipper ng pantalon niya. “Maipapangako ko ang kaligtasan mo ngayong gabi pero sa pagsikat ng araw at sa muling pagkalat ng dilim ay ‘di ko na hawak ang pagkakataon... alam na nila ang tungkol sa’yo.” Napasunod na lamang ako ng tingin sa kanya nang bumalik siya sa dati niyang kinauupuan. “S-sinong sila?” nakuha kong itanong. Wala kasi akong alam na sabihin kundi’ naiisip ko lamang ngayon na ganito pala katindi ang resulta nang paghahanap ko lamang sa gamot ni Stella. Hindi agad siya sumagot. Maayos siyang humarap sa akin at kahit ‘di ko na naman nakikita ang buong mukha niya’y alam kong tinititigan niya ako. “Sinong sila?” ulit niya. “Sila lang naman... ang kapatid ko, maaaring pati ang mga magulang ko at malamang... ang mga kalahi ko.” Napalunok ako ng ilang beses sa narinig ko. Buong angkan ba ng halimaw ang gustong pumatay sa akin? Doamne, te rog ajută-mă... (Lord, please help me...) by: ionahgirl23 . .
Lagim  [R18] by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 1,355,790
  • WpVote
    Votes 30,851
  • WpPart
    Parts 34
Language: Filipino Biglang nagbago ang mundo ng dalagang si Victoria nang sumapit ang kanyang ikalabingwalong kaarawan. Nagsimula siyang gumawa ng mga bagay na ni sa panaginip ay hindi niya aakalain. Kasabay ng masasamang pangitain at ng misteryo tungkol sa isang estrangherong lalaking laging sumusunod sa kanya, inakala niyang sinasapian lamang siya ng masasamang espiritung nag-uudyok sa kanyang saktan at dungisan ang sarili niyang katawan. Ang hindi niya alam ay ang mas malalim pang kadilimang bumabalot sa kanyang pagkatao. Isang aninong nagsimula bago pa man siya isilang at higit pa sa kayang arukin ng kanyang pang-unawa. Ang Lagim ay isang espiritwal na thriller ng katatakutan tungkol sa tibay ng pananampalataya sa gitna ng pagtutunggali ng liwanag at kadiliman. *** TRIGGER WARNING This book was written with the intention of exploring complex and challenging human experiences. It contains mature and potentially triggering content, including detailed discussions of religious trauma and sensitive, taboo subjects. Additionally, the narrative draws inspiration from real accounts of cults, examining their psychological and societal effects. Please prioritize your well-being while reading. This is a work of fiction. Reader discretion is strongly advised. **** Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Spiritual Horror Series: Standalone Cover Design: DPEditors Started:November 2014 Completed: October 2015
BUSAW 1: BUSAW, Unang Pagsibol by ionahgirl23
ionahgirl23
  • WpView
    Reads 399,417
  • WpVote
    Votes 6,777
  • WpPart
    Parts 30
WARNING! THIS STORY ISN'T COMPLETE ANYMORE AND ALREADY PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. THE ENDING WAS DELETED... ______________________________________________ "Bakit lagi mo na akong iniiwan ngayon?" bigla kong natanong sa kanya nang pareho kaming natahimik. "Akala ko ba kailangan mo'ko para sa lunas mo..."bahagya ko siyang tiningala. "Dahil alam kong hindi ka aalis..."pabulong niyang isinagot sa akin. "Ganun' mayabang ka rin pala ah, marunong nang magyabang ang mga aswang ngayon..."nangingiti kong sagot habang nakatanaw pa rin sa malawak na kakahuyan. "Ang sarap... nakakarelax ang ganito ano." bulalas ko at inilahad ang magkabilang kamay. "Hindi masarap ang maging busaw, buong buhay namin ay nagtatago lamang sa dilim." paanas niyang sagot at tumingin na rin sa kakahuyang nadidiligan ng sinag ng buwan. “Buong buhay ko’y umikot lang sa mga punong ito, sa lugar na’to... tahimik at kuntento ako pero hindi ko alam... pakiramdam ko’y may kulang.” naramdaman kong bumuntong hininga siya. “Pakiramdam ko’y hindi ako nababagay dito...” “So naghahanap ka ng lunas...” tingala ko sa kanya at namimilog ang mga mata ko sa naiisip ko. “Sumama ka na lang kaya, isama mo ang parents mo... tutulungan ko kayong magsimula.” Pero tiningnan lamang niya ako hanggang sa bumaba ang paningin niya sa leeg ko. “Hindi ganun’ kadali ang lahat Elvira... ang ginawa kong ito’y maaaring pagmulan ng matinding labanan...” anas niya at hinawakan niya ako sa balikat hanggang sa mukhang huhubarin na naman niya ang damit ko... A FANTASY HORROR, ADVENTURE LOVE STORY WRITTEN BY IONAHGIRL23. Published: May 09, 2014 Completed: July 10, 2014