byruni's Reading List
2 stories
Badboy's Maid  by Quezada_J
Quezada_J
  • WpView
    Reads 32,966
  • WpVote
    Votes 1,520
  • WpPart
    Parts 38
Alex Casuga Casapao - taga Maynila na napadpad sa Banaue. Isang binatang laki sa hirap at may mabibigat at masasakit na nakaraan pero nanatiling positibo at pinanatili ang kabaitan. Khairon Fuentes Montero - isang binatang taga Baguio na laki sa mayamang pamilya. Binatang binago ng panahon dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama na dahilan ng pagbabago ng ugali nito. Sa kanilang pagtatagpo sa syudad ng 'Summer Capital of the Philippines', magkakaroon kaya sila ng maaliwalas na pagmamahalan sa kabila ng mga napagdaanan at pagkakaiba nila? Magkakaroon ba sila ng maaliwalas at maayos na pagmamahalan na sing kinang ng araw sa tuwing sasapit ang tag-init? Magiging mainit ba ang pagmamahalan nila katulad ng isang araw o magiging malamig katulad ng temperatura kung saan sila nagkakilala?
HOY OSWALDO! [BXB] by mayordamiel
mayordamiel
  • WpView
    Reads 177,962
  • WpVote
    Votes 9,497
  • WpPart
    Parts 16
3rd time is a charm! The 3rd Book of Torrero Series. Simula pagkabata ay sanggang-dikit na sina Blaine at Oswald. Ang unang pagkikita nila ay noong kapwa apat na taong gulang pa lamang sila sa isang palaruan. Inaasar siyang bakla ng ibang mga bata at walang ibang nangahas na ipagtanggol siya kung hindi ito lamang. Hindi ito ang inaasahan niyang knight-in-shinning-armor. Napakabayolente nang pagsugod nito. Matapos nitong pagsusuntukin ang apat na bully, lumapit ito sa kanya at inilahad ang kamay. "Ako nga pala si Oswald," pagpapakilala nito. Nahihiya niyang tinanggap ang kamay nito. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha sa paghanga rito. Gwapo ito at higit na mas matangkad sa kanya kahit na pareho lamang sila ng edad. "Blaine," mahina niyang pagtugon. Iyon ang simula ng kanilang pagkakaibigan. Ito ang naging tagapagtanggol niya habang siya naman ang naging masugid nitong tagasuporta. Lubos niyang hinahangaan si Oswald. Napakagaling nito sa paglalaro ng soccer. Hindi man siya mahilig sa isport, lagi naman siyang sumusunod rito upang samahan sa mga practice at laro nito. Ang simpleng paghanga ay napunta sa lihim na pagkakagusto kay Oswald. Pero may pag asa ba siya kung kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya? Date started: September 11, 2021